^

PSN Showbiz

Kaya isinusumpa ng kapwa singer Actress-singer inuna pa ang casino kesa sa rehearsal

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung tatanungin pala ngayon ang isang maga­ling na female performer kung gusto pa rin niyang makasama sa isang concert ang isang pamosong actress-singer ay iiling siya nang pagkalakas-lakas na halos ikatanggal na ng leeg niya sa kanyang ulo.

“Never again!” ‘yun lang ang tanging nasasabi ng napakapropesyonal na female performer kapag ‘yun ang itinatanong sa kanya. Ang dahilan?

Monologue ng aming source, “Nu’n kasing mag-show sila sa ibang bansa, e, binigyan siya ng sakit ng ulo ng actress-singer na ‘yun. Siya ang kausap ng mga producers ng palabas, kaya siya ang namamahala sa lahat ng mga artists.

“May rehearsal sila nang umaga, wala sa hotel niya si ____(pangalan ng actress-singer), walang makapagsabi sa kanya kung nasaan. Pagbaba niya, nandu’n pala ang babaeng hinahanap niya, pindot nang pindot sa makina, nagka-casino!

“So, sinabihan niya na may rehearsal sila, tumayo naman ang actress-singer, sumama na sa female performer nang hindi man lang nagmumumog at naghihilamos!

“Pagkatapos ng rehearsal nila, sa kani-kanyang hotel room na sila dapat. Kailangan na nilang mag-rest, kinagabihan na kasi ang concert nila.

“Pero ang actress-singer, bumalik na naman sa mga kaibigan niyang makina, nagpipindot na naman! Umakyat lang siya sa hotel room niya para mag-prepare, may show nga kasi sila.

“Imagine, hindi na lang niya ipinahinga ang mahaba-habang oras bago ang concert nila, nag-casino pa rin siya! Ayun, hirap na hirap tuloy siyang kumanta, nakalimutan pa niya ang ibang lyrics ng kanta niya, dinaya na lang niya ‘yun sa pagpapakanta sa audience para hindi siya mahalata.

“Matagal nang nangyari ‘yun, pero hanggang ngayon, e, hindi pa rin makalimutan ng female performer ang mga problemang ibinigay sa kanya ng actress-singer sa ibang bansa,” mahabang kuwento ng aming impormante.

Ubos!

Dahil sa anak, Derek parang laging nananaginip ang pakiramdam

Pinakamaligayang Pasko raw niya ang sa taong ito, pag-amin ni Derek Ramsay, dahil makakasama niya ang kanyang anak na si Austin Gabriel.

Naging mabait din daw sa kanya ang 2014 dahil sa magagandang oportunidad na dumating sa kanya, hindi kinapos ng suporta sa kanya ang TV5, may mga pelikula rin siyang ginawa na naging maganda ang marka sa takilya.

“And before the year ends, natapos ang mga problema ko. It was a challenging moment, napakagulo, pero sa wakas, natapos din,” sinserong sabi ng hunk actor.

Gusto niyang pasalamatan ang kanyang mga magulang. Alam daw niya kung gaano siya kasuportado ng kanyang ama’t ina sa mga pinapasukan niyang desisyon, pero nang magkaroon siya ng personal na problema, du’n niya napatunayan na anuman ang mangyari ay hinding-hindi siya iiwan ng kanyang pamilya.

“Thanking them is not enough. Umaga pa lang, tumatawag na ang mommy ko to ask if I’m okay. Ang dad ko, he’ll always tell me na problems come, but definitely, there’s always a solution.

“Ang sarap-sarap sa pakiramdam na you’re so loved by your parents. I can’t thank them enough. I’m so blessed,” sabi pa ng host ng The Amazing Race Philippines Season 2 ng TV5.

Dati na siyang makisig, pero nu’ng huli na­ming makabalitaan si Derek Ramsay ay nakita namin ang larawan ng isang lalaking bruskung-brusko ang paninindigan, gusto niyang tapusin ang problema pero taas-noo pa rin ang kanyang ulo pagkatapos ng laban.

“And everytime Austin calls me dad, parang nananaginip pa rin ako. I’ve never felt this way, it’s so cool, napakasarap pakinggan,” sinsero niyang reaksiyon.

vuukle comment

ACTRESS

AMAZING RACE PHILIPPINES SEASON

AUSTIN GABRIEL

DEREK RAMSAY

KANYANG

NIYA

PINAKAMALIGAYANG PASKO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with