^

PSN Showbiz

Julie Anne hindi type si Abra, ayaw na ring magpaka-bitter kay Elmo

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sayang kung kailan naging “reyna” (Queen of Hologram) si Julie Anne San Jose at saka naman siya nawalan ng “hari” sa kanyang nalalapit na concert na Hologram on Dec. 13 sa SM Moa Arena. Wala na ang ibini-build na ka-tandem niyang si Elmo Magalona. Naagaw na kasi siya ni Janine Gutierrez na tinanggap naman ng mga fans.

Pero walang pagdaramdam (o baka itinatago lang niya), na mababakas sa muk­ha ng Asia’s Pop Princess kung hindi man siya napagbigyan ni Elmo na mag-guest sa concert niya. Pinaniniwalaan niya at walang bahid ng pag-aalinlangan ang ibinigay na dahilan ng tumatayong ma­nager nito, ang inang si Pia Magalona na mayroon na itong naunang nasagutang commitment kaya hin­di nito mapagbibigyan ang imbitasyon niyang mag-guest.

“Naniniwala naman ako na kung makakaya niya ay hindi naman niya tatanggihan na lumabas sa concert ko. Nakasama ko na siya sa concert in the past. Naiintindihan ko kung may iba siyang commitment ngayon.

“I’m okay, we’re okay. Baka rin makabuti ang pag­hihiwalay namin dahil ako rin naman, ayaw kong ma-stuck sa isang loveteam. Gusto kong mag-grow as a solo per­former,” mabanayad na sagot ni Julie Anne.

Wala ring kinalaman ang inili-link sa kanya na si Abra para matanggap niya nang madali at mahinahon ang absence ng kanyang da­ting ka-loveteam.

“Magkaibigan lang ka­mi. Wala kaming deeper relationship. Marami akong mas unang priority kaysa ang lovelife ko. Ni hindi nga ako tumatanggap ng manliligaw dahil gusto kong mag-focus sa career ko. Nahihirapan nga ako na isabay dito ang pag-aaral ko, pero ipinangako ko sa sarili ko na makakatapos ako ng pag-aaral, kaya pangangatawanan ko,” pramis niya.

Erich 10 years pa bago pakasal

Wise ang desisyon ni Erich Gonzales na magpakasal muna bago ang pagkakaro’n ng baby. At kung dito ibabatay e, baka matatagalan pa bago ito magkaron ng kaganapan. “Wala pa kaming balak na magpakasal, Kung meron man, hindi pa ngayon, baka mga 10 years pa,” matapat na saad niya.

Marami ang pumupuri sa husay na ipina­kikita niya sa Two Wives ng ABS-CBN na tungkol sa kataksilan ng isang lalaki sa kanyang sinumpaang kasal.

Kung sa totoong buhay ay mangyari sa kanya ang sinapit ng character niyang si Janine na umibig at nang-agaw sa asawa ng may asawa , sinabi ng magaling na aktres na nagsimula sa mali ang relasyon nila kaya wala itong kapupuntahan.

 

 

vuukle comment

ELMO MAGALONA

ERICH GONZALES

JANINE GUTIERREZ

JULIE ANNE

JULIE ANNE SAN JOSE

MARAMI

NIYA

SHY

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with