^

PSN Showbiz

Nadulas, Ryzza Mae magpa-flower girl sa kasalang Vic at Pauleen; Rafael umaming ‘kumakain’ ng marijuana!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Hindi natuloy ang pagharap ni Sen. Bong Revilla sa hearing sa Sandiganbayan kahapon dahil sa na-move ng hapon at hindi natuloy sa umaga.

As of presstime ay dinidinig pa rin ang kaso, pero hindi na nakadalo si Sen. Bong dahil pinabalik na siya ng Camp Crame.

Pero naglabas ng statement si Sen. Bong na willing siyang ibigay ang lahat na pinaghirapan niya mula pagkabata kapag mapapatunayan ng AMLC na may sapat na ebidensiya itong mga ibinibintang sa kanya.

Marami ang nag-react sa Motion na isinumite ng AMLC na gustong ipa-freeze ang lahat ng assets niya na sa totoo lang kinita niya iyun bilang artista mula nung bata siya.

Ayaw na lang daw magyabang ni Sen. Bong, pero mapipilitan siyang ilabas ang lahat na kinita niya sa pag-aartista bilang isa siya sa highest-paid actor.

PAK: Ang paggamit ng marijuana ang isa sa ginagawa ni Rafael Rosell bilang isa siyang vegetarian.

Ayaw niyang sagutin kung gumagamit pa siya nito, pero bilang gumagamit at kumakain daw siya ng mga halaman, marami raw siyang nakuhang pakinabang nito sa kanyang katawan lalo na sa kanyang inang may sakit na cancer.

Napagaling ng marijuana ang cancer na sakit ng kanyang ina.

Hindi naman daw niya masasabing isa siyang vegetarian dahil marami raw siyang mga rule na kailangang sundin, na parang relihiyon na rin daw itong pagiging vegetarian.

Plant-based lang daw talaga siya, dahil ayaw daw niyang kumain ng mga pagkaing galing sa pagpatay. Gaya ng mga hayop na pinapatay bago lutuin at kainin.

BOOM: Nadulas si Ryzza Mae Dizon na sinabi sa aming sinabihan daw siya ni Pauleen Luna na mag-flower girl kapag ikakasal sila.

Nang tinanong uli namin kung paano sinabi sa kanya ni Pauleen, umatras na ito at “secret” na lang ang sagot niya.

Hiningan namin ng reaksyon si Pauleen sa sinabi ni Ryzza Mae, natawa na lang siya.

Sobrang close si Pauleen kay Ryzza Mae at lagi nga silang magkasama, at minsan ay nagsu-swimming pa si Ryzza Mae kina Pauleen.

Kaya kung sakaling matutuloy nga ang kasal nina Pauleen at Vic Sotto, malamang na si Ryzza Mae nga ang magiging flower girl.

 

vuukle comment

AYAW

BONG REVILLA

CAMP CRAME

DAW

PAULEEN

PAULEEN LUNA

RAFAEL ROSELL

RYZZA MAE

RYZZA MAE DIZON

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with