^

PSN Showbiz

Senate inquiry, patalbugan na ang acting ng mga bida!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

May mga kakilala ako na hindi na pinapanood ang live telecast ng senate investigation tungkol sa alleged hidden wealth ni Vice-President Jojo Binay.

Dedma na sila sa live telecast  dahil hindi nila ma-take ang acting ng mga starring sa senate inquiry. Waste of time daw ang panonood dahil nakakaimbyerna ang mga sinasabi ni ganito o ni ganire.

Nakikipagtalbugan daw sa acting ng mga tunay at mahuhusay na artista ang  “trying very very hard performances” ng ilan sa mga starring sa real-life drama sa senado.

Jinggoy hindi pinayagan ng sandigan na madalaw ang puntod ni Daboy

Ang suportahan ang showbiz career ng kanyang anak na si Julian ang lambing ni Senator Jinggoy Estrada sa kanyang mga kaibigan na entertainment writers.

Bida si Julian sa indie movie na Relaks, It’s Just Pag-ibig na showing sa mga sinehan sa November 12.

In fairness, positive ang lahat ng mga feedback sa trailer ng Relaks, It’s Just Pag-ibig.

Hindi baguhan sa pag-arte si Julian dahil lumabas na ito sa mga pelikula ng kanyang ama noong  bagets pa siya. Child actor pa ang kategorya ni Julian nang umapir siya sa Katas ng Saudi noong 2007. Ngayon, binatang-binata na siya at isa sa mga bida ng Relaks, It’s Just Pag-ibig na unang pelikula naman ng anak ni Piolo Pascual na si Iñigo.

Ibinasura ng Sandiganbayan ang petition ni Papa Jinggoy na payagan ito na makadalaw bukas sa libingan ni Rudy Fernandez sa Heritage Park.

Tatlong oras lamang ang hinihiling ni Papa Jinggoy pero hindi siya pinayagan ng Sandiganbayan.

Knowing Papa Jinggoy, tiyak na nalungkot siya dahil nasira ang kanyang panata na dadalawin si Daboy tuwing All Saints Day.

First time na hindi mabibisita ni Papa Jinggoy ang puntod ni Daboy mula nang pumanaw ito noong June 7, 2008.

Malamang na magpadala na lamang si Papa Jinggoy ng bulaklak sa musoleo ni Daboy sa Heritage Park. Puwede rin na ipagtirik niya ng kandila at alayan ng dasal ang pumanaw na bestfriend sa detention cell niya sa PNP Custodial Center.

Ex ni Richard na si Jewel biglang sumulpot

Biglang lumitaw from nowhere si Jewel Mische na malapit nang ikasal sa kanyang American boyfriend.

The who si Jewel? Siya ang Ultimate Sweetheart winner ng Starstruck noong 2007 pero mas nakilala si Jewel bilang ex-girlfriend ni Richard Gutierrez.

Dating contract star si Jewel ng GMA 7 at nag-ober da bakod siya sa ABS-CBN noong 2010. Naging girlfriend si Jewel ni Jason Abalos pero naghiwalay rin sila.

Wala nang balita tungkol kay Jewel pero bigla siyang sumulpot nitong linggong ito with matching pralala na engaged na sila ng kanyang boyfriend na Amerikano.

So, alam na natin ang mga itatanong kay Richard ng mga reporter. Tiyak na tatanungin siya tungkol sa nalalapit na pagpapakasal ng kanyang ex-girlfriend.

TV host/actress iritable na sa kaseselos ng actor na boyfriend

Sobrang seloso ang actor boyfriend ng TV host/actress kaya napapadalas ang kanilang mga away.

Kung hindi magbabago ang ugali ng aktor, baka layasan siya ng kanyang bagets na girlfriend.

Noong una, tuwang-tuwa ang aktres dahil seloso ang kanyang boyfriend. Ang feeling niya, mahal na mahal siya ng aktor.

Habang tumatagal ang kanilang relasyon, napapansin ng aktres na hindi na tama ang pagseselos ng aktor dahil pinalalaki nito ang maliliit na isyu. Nasasakal na ang girlfriend sa pagkaseloso ng aktor na  mabilis uminit ang ulo sa mga walang kakuwenta-kuwenta na bagay.

 

vuukle comment

ALL SAINTS DAY

DABOY

HERITAGE PARK

JUST PAG

KANYANG

PAPA JINGGOY

RELAKS

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with