^

PSN Showbiz

Actor-politician na manggagamit bistado na ang gimik!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Butata sa milyonaryang kakahiwalay sa asawa 

Natatawa na lang ang aming source habang pinakikinggan ang pagkukuwentuhan ng isang grupo tungkol sa isang aktor-pulitiko na nasoplak ang kakaibang motibo sa isang milyonaryang babae.

Hindi naman masamang makipagrelasyon basta libre ang papasok, pero kung meron siyang pamilya at nagsasama pa sila ng kanyang misis, teka lang naman muna.

Matagal nang nagiging sentro ng kuwentuhan ang galing sa pagiging manggagamit ng aktor-pulitikong ito. ‘Yun yata ang kanyang minaster, ang papasukin sa bitag niya ang babae, pagkatapos nu’n ay gagana na ang pagiging user niya.

Sabi ng isang source sa umpukan, “Nu’ng kampanya para sa position na hinahawakan na niya ngayon, e, lihim niyang kinarelasyon ang isang media personality.

“Kailangang-kailangan niya kasi sa kampanya ang girl, malaking-malaki ang maitutulong sa kanya ng babae, mahaba ang kamay nu’n na siguradong mapapakinabangan niya.

“Pati ang mga giveaways niya nu’ng kampanya, sinagot ng girl, hindi na pinroblema pa ‘yun ng politician, nahulog na kasi sa bitag niya ang babae.

“Pero pagkatapos ng election at nanalo na siya, hindi na siya mahagilap ng girl, pinagtataguan na niya, wala na kasi siyang kailangan dahil may upuan na siya,” kuwento ng aming impormante.

Pilit niyang binibingwit ang isang milyonaryang babaeng kahihiwalay lang sa mister nito, pareho rin ang kanyang istilo, lalambingin ang babae at pagseserbisyuhan na para siyang alipin, kapag nakuha na niya ang atensiyon ng babae ay papasukan na niya, pero may mga nakaamoy agad sa kanyang pailalim na motibo.

Soplak ang aktor-pulitiko! Kumbaga sa basketball ay na-check agad ng mga nakapaligid ang kanyang mga galaw, hindi siya naka-shoot, nasupalpal siya.

Pera na, naging bato pa, sabi siguro ng user na actor-politician. Panis ang atake niya, hindi siya nakalusot, marami na kasing nakakaalam sa gimik niya.

Ubos!

RR Enriquez kinaiinisan sa Amazing Race dahil sa sobrang pagtataray!

Ang daming nagte-text sa amin ngayon na naiinis na kay RR Enriquez, girlfriend ng basketball player na si Jayjay Helterbrand ng Ginebra, kalahok sa The Amazing Race Philippines ng TV5.

Sobrang taray daw kasi ni RR, tinatalak-talakan ang kanyang partner na si Jeck  Maierhofer, hindi na raw nakaaaliw ang inuugali ngayon ng dalaga sa programang hino-host ni Derek Ramsay.

Nasusubaybayan namin ang reality show, lahat sila ngayon ay nag-aaway-away na, nangangarag kasi sila sa labanan at kakambal ng kagustuhang mauna sa race ang pressure.

Naiinis ang mga nakakausap namin dahil masyado raw bossy si RR, palaging siya ang tama, kapag pumapalpak ang kanyang partner ay agad nang nagtatatalak.

Ibig sabihin lang ay epektibo ang presensiya ni RR sa The Amazing Race Philippines, siya ang napapansin ng manonood, siya ang inaabangan at tinututukan dahil nakakakuha ng atensiyon ang madalas niyang pagtataray.

Pero sa totoong buhay ay kalmado lang si RR, mahusay siyang makisama at matiisin. Kailangan lang siguro talaga niyang mangarag dahil kapag hindi sila gumalaw nang sabayan ng kanyang kapareha ay siguradong mapag-iiwanan sila sa mahigpitang habulan.

Ramdam na ngayon ang mga diskusyon, ang mga argumento, natural nang lulutang ngayon ang pagtatalo-talo dahil lahat sila’y gustong makauna sa race na ito.

vuukle comment

AMAZING RACE

AMAZING RACE PHILIPPINES

DEREK RAMSAY

ENRIQUEZ

KANYANG

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with