^

PSN Showbiz

Mga bata tiyak daw mag-i-enjoy: Isang episode ng My Big Bossing ideya ni Ryzza Mae!; Vic ayaw nang maging leading lady sa mga proyekto si Pauleen

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Tuluy-tuloy pa rin ang selebrasyon ni Rhian Ramos ng kanyang 25th birthday. Bukod sa gift-giving niya sa mga lolo at lola sa Graces at sa mga batang may Cancer sa Childhaus, magkakaroon ng birthday segment para sa Kapuso actress sa Sunday All Stars, kasama ang mga Kapuso leading ladies na sina Heart Evangelista, Jennylyn Mercado, at Lovi Poe.

PAK: Nag-i-enjoy si Ryzza Mae Dizon sa shooting ng pelikula nila ni Vic Sotto na My Big Bossing dahil kanya raw ang ideya ng kuwento sa tatlong episode ng pelikulang ito.

Ang isang episode na Sirena ay ideya raw ni Ryzza Mae ang karamihang detalye sa kuwento. At sabi ni Bossing Vic, tiyak na magugustuhan ng mga bata dahil ideya mismo iyun ng isang bata na kagaya ni Ryzza Mae.

Tawag nila sa sikat na child star nang sinuot ang sirena costume niya ay Sirenang BMW as in Bilbil Mo Walo.

BOOM: Nag-guest din si Pauleen Luna sa My Big Bossing at kahit mahirap ang role na kung saan may suot siyang prosthetics, tinanggap ng aktres ito bilang suporta kay Bossing Vic.

Sabi ni Bossing Vic, hindi na raw kailangang bigyan ng project na leading lady siya dahil siya na raw ang leading lady niya sa totoong buhay.

Hindi nga lang daw ideal wife ang turing niya kay Pauleen kundi nandun na lahat.

Sabi ng Comedy King at Eat Bulaga host: “Ideal wife, ideal partner, lahat na lang na ideal na puwede mong i-describe, siya na ‘yun.”

Sabi naman ni Pauleen sa tanong namin kung i­deal husband din ba si Bossing Vic: “Yeah. Kasi parang match ‘yung personalities namin eh. Parang sometimes, parang effortless namin na parang maging match na naiintindihan namin ang isa’t-isa. So, I think nagswak talaga ‘yung personalities namin, and I think that’s a very important detail pagdating sa magkarelasyon.”

 

vuukle comment

BILBIL MO WALO

BOSSING VIC

COMEDY KING

EAT BULAGA

HEART EVANGELISTA

JENNYLYN MERCADO

MY BIG BOSSING

RYZZA MAE

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with