^

PSN Showbiz

Coco parang dalawang serye ang ginawa sa Ikaw...

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang hindi malilimutang karanasan para sa Ikaw Lamang stars na sina Coco Martin, Kim Chiu, at KC Concepcion ang maging bahagi ng tinaguriang master teleserye ng ABS-CBN na magwawakas na ngayong Biyernes (Oktubre 24). 

“Napakagandang experience ang naibigay ng Ikaw Lamang para sa akin bilang aktor. Pakiramdam ko para akong gumawa ng dalawang soap opera dahil sa dalawang karakter na ginampanan ko bilang sina Samuel at Gabriel,” pahayag ng Hari ng Teleserye na si Coco.

Dream-come-true naman para sa Prinsesa ng Teleserye na si Kim na maka-eksena sa kanilang serye ang iba’t ibang award-winning na aktor sa industriya. “Ang sarap sa pakiramdam na sabay-sabay kong nakatrabaho ‘yung mga iniidolo kong artista sa isang proyekto. Ang dami kong natutunan tungkol sa buhay at sa pag-arte mula sa kanila,” ani Kim.

Para sa 2014 FAMAS Best Actress na si KC Concepcion, naging mala­king hamon para sa kanya ang pagpasok sa kwento ng Ikaw Lamang bilang si Natalia. Aniya : “Sobrang challenging siya para sa amin dahil napakalaking pagbabago ang nangyari sa teleserye nang dumating ‘yung mga karakter namin. Pero nagpapasalamat ako dahil napasama ako sa ganito kalaki at kagandang teleserye.”

Samantala, maging ang mga aktor na gumanap sa Ikaw Lamang bilang sina Franco at Mona na sina Jake Cuenca at Julia Montes ay punung-puno rin ng papuri sa naging tagumpay ng master teleserye na kanilang kinabilangan.

“Hanggang ngayon, napaka-inspirational pa rin ng Ikaw Lamang para sa akin hindi lang dahil sa ganda ng kwento nito kundi dahil din sa buong cast, crew, at mga direktor nito,” ayon kay Jake.

“Dahil sa dami ng natutunan namin mula sa lahat ng nakatrabaho namin, feeling namin para kaming nakapagtapos kami ng isang buong course sa college,” dagdag ni Julia. 

Sa pagtatapos ng Ikaw Lamang, tiyak na maya­ya­nig ang gabi ng TV viewers ngayong hindi na pa­tatalo si Gabriel kay Franco (Christopher de Leon) dahil sa pagpatay nito sa kanyang ama na si Samuel (Joel Torre). Makababawi na ba si Gabriel sa pagsira ni Franco sa kanyang buhay? Paano makatutulong ang magkapatid na sina Natalia at Andrea (Kim) sa pagkamit ni Gabriel ng hustisya laban sa kanilang ama? Sa huli, may kinakaila­ngan pa bang magsakripisyo ng buhay para lamang mapigilan ang kasamaan ni Franco?

Sa ilalim ng direksyon nina Direk Malu Sevilla, Manny Palo, at Avel Sunpongco, ang Ikaw Lamang ay isa sa mga obra ng Dreamscape Entertain­ment Television, ang grupong lumikha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng Walang Hanggan, Ina Kapatid Anak, at Juan dela Cruz.

 

vuukle comment

AVEL SUNPONGCO

BEST ACTRESS

COCO MARTIN

CONCEPCION

DAHIL

DIREK MALU SEVILLA

IKAW LAMANG

LAMANG

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with