^

PSN Showbiz

Luis may linaw na ang pagpasok sa pulitika

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Nagpatawag ng presscon ang Viva Films sa kanilang upcoming comedy movie na Moron 5.2 The Transformation na tinatampukan nina Luis Manzano, Billy Crawford, Marvin Agustin, DJ Durano, at ang bagong karagdagan sa cast na si Matteo Guidicelli kasama si John “Sweet” Lapus kaya muling nagpatawag ang Viva ng pangalawang presscon para makadalo ang panganay ng estranged couple na sina Edu Manzano at Batangas Gov. Vilma Santos. Sa pangalawang presscon, kumpleto sina Luis, Billy, Marvin, Matteo, at DJ pero si John “Sweet” Lapus naman ang wala dahil may show ito sa Canada. Kasama nila ang box-office director na si Wenn Deramas.

Dahil si Matteo ang bago at bunso sa grupo, ito ang madalas nilang i-good time sa set. Pero sinabi ni Matteo na nag-enjoy siya nang husto sa paggawa ng Moron 5.2 The Transformation dahil nagkaroon siya ng instant barkada sa cast at sa kanilang director na si Wenn Deramas. Ito rin bale ang nagsilbing  baptism of fire ni Matteo mula sa director at sa mga kasamahan niya sa pelikula dahil siya ang pabrotiong i-good time ng grupo. Ngayon ay sanay na sanay na siya at luma­laban na rin sa asaran at laglagan ng grupo lalo na pag inaasar siya nina Luis at Billy.

Nang tanungin naman namin si Luis kung paano niya gustong gawin ang proposal sa kanyang nob­yang si Angel Locsin, sinabi nito na gusto niya itong gawing sikreto at intimate. 

Malakas ang aming paniniwala, Salve A. na mangyayari ang proposal ni Luis kay Angel next year. At habang lumalapit ang national at local elections in 2016, lalong nagiging malinaw na ang pagpasok ni Luis sa pulitika.

Alonzo ‘di mapakali pag ‘di nakikita si Ryzza Mae

Ang ama mismo ni Alonzo Muhlach na si Niño Muhlach ang nagsabi na tiyak na mami-miss ng kanyang bunso ang shooting ng My Big Bo­ssing (final title) nina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon kapag natapos na ang shooting ng ikatlong epi­sode (Prinsesa) ng movie na isa sa official en­tries ng 2014 Metro Ma­nila Film Festival (MMFF) dahil nag-enjoy ang bagets sa shooting ng movie na magtatapos ngayong October 29.

“Kahit walang naka-schedule na shooting, para­ting gusto si Alonzo na pumunta siya sa shooting  dahil nami-miss niya ang kanyang new-found playmate at best friend na si Ryzza Mae Dizon,” kuwento ni Niño na siyang gumaganap na main contrabida ni Bossing (Vic Sotto) sa Prinsesa episode ng My Big Bossing na pinamamahalaan ni Bb. Joyce Bernal.

Kitang-kita rin sa bida at co-producer ng movie na si Vic ang pagiging magiliw sa mga bata. Bukod sa kanyang anak-anakan sa Eat Bulaga na si ­Ryzza Mae, tuwang-tuwa rin si Bossing kay Alonzo.

In real life, si Vic ay may lima nang apo sa kanyang dalawang anak sa kanyang ex-wife na si Dina Bonnevie, sina Danica at Oyo at marami na rin ­siyang apo sa kanyang mga pamangkin sa kanyang mga kapatid na sina Sen. Tito Sotto, Val, at Maru.

“Sino ang lolo?” natatawa nitong tugon sa amin nang i-congratulate namin siya sa kanyang bagong dating na apo kina Oyo at misis nitong si Kristine Hermosa.

Erich enjoy sa mas matandang BF

Hindi isyu sa 24-year-old Kapamilya star na si Erich Gonzales ang sampung taon na age gap nila ng kanyang mahigit tatlong taon na niyang non-showbiz boyfriend na negosyante. Ang advantage, mas supportive pa ito kay Erich at nauunawaan nito ang trabaho ng kanyang nobya.

Matapos mapanood si Erich sa pelikulang Once a Princess with Enchong Dee and JC de Vera, isang bagong teleserye naman kaagad ang kasunod, ang local adaptation ng Koreanovela na Two Wives kung saan niya mga kabituin sina Kaye Abad at Jason Abalos.

 

vuukle comment

ALONZO

ERICH

KANYANG

LUIS

MATTEO

RYZZA MAE

RYZZA MAE DIZON

SHY

VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with