^

PSN Showbiz

Ellen Adarna aminadong tomadora!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Si Ellen Adarna ang 2015 calendar girl ng Ginebra San Miguel at pormal siya na ipinakilala kahapon sa isang malaking presscon na sosyal ang mga premyo sa raffle draw.

Nagkita kami sa presscon ni Nelson Elises, ang marketing manager ng Ginebra San Miguel at kapatid ni Dr. Joel Elises, ang asawa ng aking kaibigan at favorite alahera na si Vicky.

Nagpasalamat si Nelson sa suporta ng entertainment press sa Ginebra San Miguel at sa kanilang calendar girls.

Nagkita rin kami ni Nelson noong nakaraang taon nang i-launch si Marian Rivera bilang 2014 calendar girl ng Ginebra San Miguel.

Hindi makapaniwala si Ellen na endorser at calendar girl na siya ng Ginebra San Miguel.

Lumaki si Ellen sa Cebu City at noong estudyante pa siya, ang GSM Blue ng Ginebra San Miguel ang kanyang madalas na inumin dahil mura raw.

Siyempre, natuwa ang mga bossing ng Ginebra San Miguel na marinig nila ang revelation ni Ellen na tomadera rin pala.

Bong masaya sa kinahinatnan ng hearing

Masaya si Senator Bong Revilla, Jr. sa resulta ng hearing kahapon sa Sandiganbayan ng petisyon niya na payagan siya na magpiyansa para sa  temporary freedom habang dinidinig ang plunder case na ibinibintang sa kanya.

 Inamin kahapon ng Anti-Money Launde­ring Council sa Sandiganbayan na walang records ng fund transfer mula sa account ni Janet Napoles at JLN Corporation na napunta sa bank accounts ni Bong.

Ilang linggo na ang nakararaan nang paratangan si Bong ng pagkakaroon ng P87 million na unexplained wealth.

Sa mga interbyu sa kanya kahapon, ipinaalaala ni Bong sa mga miyembro ng media na kumita noon ang mga pelikula niya kaya nakaipon siya ng pera.

Si Bong ang producer ng mga pelikula na pinilahan sa box office at hindi pa kasama sa mga kinita niya  ang mga talent fee mula sa kanyang regular shows sa GMA 7 at product endorsements.

Masinop din si Lani Mercado, ang misis ni Bong na marunong humawak ng pera. Hindi waldas sa datung si Lani na working mother at hindi basta housewife. Pareho sila ni Bong na magaling sa investment ng mga kinita nila mula sa showbiz.

‘Eh ano kung hindi pumunta si P-noy sa burol ni Laude’

Bakit ba ginagawang isyu laban kay P-Noy ang  sinabi nito na hindi siya pupunta sa burol ni Jennifer Laude dahil hindi naman niya kilala ang biktima? Hindi nga siya nakita noon sa hostage taking sa Luneta ‘ha?

Nagpakatotoo lang si P-Noy at bukod sa hindi niya kilala si Laude, maselan ang isyu dahil may sangkot na US Marine at binabatikos ang Visiting Forces Agreement.

Hindi naman puwedeng puntahan ni P-Noy ang lahat ng mga biktima ng karahasan dahil kung ito ang gagawin niya, mauubos ang kanyang oras sa pakikiramay at siguradong magtatampo ang mga namatayan na hindi niya nadalaw.

Hindi ko nakontrol ang sarili ko na huwag mag-react dahil ang isyu ng pakikiramay ni P-Noy kay Laude ang headline ng mga TV news program noong Wednesday night.

 

vuukle comment

ANTI-MONEY LAUNDE

BONG

CEBU CITY

DR. JOEL ELISES

GINEBRA

GINEBRA SAN MIGUEL

P-NOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with