^

PSN Showbiz

Matapos makainuman kaprangkahan ni Ellen type ni John Lloyd

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Mabilis ang reply ni John Lloyd Cruz nang i-text siya ng kaibigan at kasamahan ding manunulat na si Joe Barrameda tungkol sa sinabi ni Ellen Adarna na kung may aktor man siyang gustong makasama/makatrabaho pero hindi niya pinapantasya, si John Lloyd ang choice niya. “Hahaha kakilala ko ‘yan. Lumalabas kami niyan pag minsan. Kasama pa boyfriend niya. I like her. Hindi pretentious. Gusto rin siya ni Angelica (Panganiban, his girlfriend),” sabi ng aktor. Dagdag pa ni Ellen, tipo rin niya si John Lloyd dahil hindi ito batu-bato. “Ayoko ko naman ‘yung tipong ma-abs and ma-muscle.”

Kahapon kasi ay ipinakilala ang sexy actress bilang bagong calendar girl ng Ginebra San Miguel at isa nga ‘yun sa natanong sa kanya.

At inamin din nga ni Ellen na nakainuman na niya ang aktor just recently lang.

Teka, may pinaayos ba siya sa katawan niya bago siya nag-pictorial for Ginebra?  “My boobs are fake. Bago pa ako nag-pictorial for the calendar fake na ito,” sabay tawa ng Kapamilya sexy actress. Actually dahil sa nasabing boobs na gawa ni Dra. Vicki Belo, umalagwa ang career niya sa ABS-CBN.

Hindi na nag-isip pa si Ellen na tanggapin ang offer ng Ginebra dahil bata pa lang ay tumutuma na raw siya. At very proud siyang sinasabi ‘yun.

Very vocal din siya na kahit may boyfriend siyang non showbiz, wala sa vocabulary niya ang kasal. In fact, mas gusto muna niyang magkaanak kesa mag-asawa.

Katatapos lang ni Ellen magbida sa Moon Of Desire at pinaghahandaan na rin niya ang Passion de Amor, ang bagong  seryeng eere sa ABS-CBN. Bahagi rin si Ellen ng ensemble cast ng sexy comedy movie na Beauty In A Bottle under Skylight Films at Quantum Films.

“Sobra po akong ganado ngayong bahagi na ako ng colorful history ng Ginebra San Miguel,” pahayag ni Ellen. “Confident at humbled po ako at the same time sa tiwala na binigay sa akin ng Ginebra San Miguel para sa 2015 calendar nila.” 

Out na next week ang nasabing calendar ng Ginebra na dedicated sa mga fishermen, farmers at ilan pang manggagawa etc.

Camille limang anak sana ang gusto

Kasal muna bago anak. Ito naman ang plano ng balong si Camille Prats na may boyfriend na ngayong nasa Amerika.

Ayaw daw niyang masundan ang anim na taon niyang little boy na si Nathan na anak nila ng namapayang asawa hangga’t hindi sila nakakasal ng current boyfriend.

Kaso wala pa siyang kaplanu-planong mag-asawa uli lalo na nga ngayong ikakasal na next year ang kapatid niyang si John Prats kay Isabel Oli. “Not anytime soon,” she said kahapon sa presscon ng Tiger Energy Biscuits kung saan nag-shoot ng TVC si Camille bilang newest ambassador.

Noon daw pinaplano niyang magkaroon ng limang kids. As in big family ang gusto na tipong mag-aasawa niya ng 20 and by 30 years old dapat lima na ang anak niya.

Pero now, ayaw na niyang magmadali. She’s turning 30 pero iisa pa lang anak niya. 

Nakabase sa Amerika ang boyfriend ni Camille na immigrant at nagta-trabaho sa isang hospital.

At in case daw, after two years ay magpakasal sila ng boyfriend, ayaw niyang sa Amerika mag-stay for good. Mas gusto niyang sa ‘Pinas mag-settle down. Hindi rin naman siya nagmamadaling pakasal dahil may kinikilala namang ama ang anak niya (Nathan), si John.

Hindi kasama ni Camille ang anak niya pero sa promos ng Tiger Biscuits ay ka-package niya ang little boy niyang grade one na.

Asawa ng governor ng Camarines Norte nagsusumigaw ang suot na Hermes

In fairness, nagsusumigaw ang Hermes belt ng misis ni Camarines Norte Governor Edgardo Tallado nang sumulpot siya sa ABS-CBN matapos mapabalitang nawawala siya.

Si Atty. Lorna Kapunan din ang lawyer eh balitang-balitang sa acceptance fee pa lang, mil­yo­nes na raw ang sinisingil ni Atty. Kapunan.

Nabalitang nawawala si Madam Tallado. ‘Yun pala talagang lumayas siya dahil umano binantaan siya ng kanyang asawang governador.

Anyway, kung hindi pa nasangkot sa mala-teleseryeng kuwento ang governador ng aming probinsiya, hindi ko madidis­kubreng siya pala ang gover­nador ng Camarines Norte. Hahaha.

Hindi masyadong matunog ang pangalan ni Gov. Tallado.

 

vuukle comment

AMERIKA

CAMARINES NORTE

CAMILLE

GINEBRA

GINEBRA SAN MIGUEL

NIYA

NIYANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with