^

PSN Showbiz

Hindi maamin na sa piling ng lalaki liligaya, nagkakaedad na singer-actor na may mga anak, nagtatago pa rin sa “closet”, naging karelasyon na singer nasa ab

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Matagal nang pinagdududahan ng mga taga-showbiz ang gender ng isang nagkakaedad nang singer-actor. Nagdadalawang-isip ang iba na isiping kaduda-duda ang kanyang kasarian dahil may mga anak siya.

Ang iba naman ay hindi na nagdududa, kasagsagan pa lang kasi ng popularidad ng singer-actor ay marami nang nag-iisip na ang mga babaeng personalidad na iniuugnay sa kanya ay promo lang, hindi totoo sa tunay na buhay.

Pagkalipas nang maraming taon ay umamin ang singer-actor, totoong may nakarelasyon siyang kasamahan nu’ng kanilang panahon, naging super-close sila ng male singer na ngayo’y naninirahan na sa ibang bansa.

Kuwento ng aming source, “Ngayon na lang naman kasi naging open ang mga artistang beki. Nu’ng panahon nila, e, napakalaking issue ‘yun, makakaapekto sa career nila, kaya kahit pa alam nilang lalaki rin ang kanilang hanap, e, hindi sila puwedeng umamin at mag-out.

“Tulad nga ni ____(pangalan ng nagkakaedad nang singer-actor), alam niya kung ano siya, alam niya siyempre kung kanino siya liligaya, pero kailangang discreet siya.

“Mawawala siya sa stage kapag umamin siyang beki, hindi matatanggap ‘yun ng mga fans niya, kaya napakatagal na panahon niyang kinimkim ang nararamdaman niya,” kuwento ng aming impormante.

Hindi sila puwedeng makitang magkasama at naglalambingan, malaking krimen ‘yun, kaya ang ginagawa ng singer-actor at ng “ka-close” niyang male singer ay nagbababad sila sa bahay ng isa nilang kaibigang pamintang-buo rin.

Aktibo pa rin sa pagkanta at pag-arte ang singer-actor na nagkakaedad na pero mukhang palaging nagpapa-stemcell kahit hindi naman kailangan, mukhang bata pa rin kasi siya, at napakahusay pa rin niyang kumanta.

Ubos!

AiAi masiglang-masigla kahit galing sa sakit, parating ‘nadidiligan’ ng 20 anyos na BF

Sa lahat ng kanyang pagkakasakit ay ang pinakahuli niyang pagpapaospital ang pinakamagaan para sa Comedy Concert Queen na si AiAi delas Alas.

Bukod kasi sa mga gamot na ipinaiinom sa kanya at pag-aalaga ng kanyang mga doktor ay may isa pang mabisang gamot na nagpagaling sa komedyana.

Iba nga naman ang nagagawa ng pag-ibig. At kakaiba ang kaligayahang dulot ng isang batang pag-ibig na tulad ng karelasyon ngayon ni AiAi.

Kasabihan nga na kapag mas bata ang karelasyon mo ay lumilipat sa iyo ang kanyang kabataan, law of osmosis ang tawag du’n, nananatiling mukhang bata ang mas nakatatanda sa relasyon.

Ilang beses nang nadapa si AiAi sa pakikipagrelasyon, nasasaktan siya’t umiyak, pero pagkalipas lang nang ilang panahon ay nagmamahal uli siya.

Hindi siya natatakot sumubok dahil ayon sa magaling na komedyana ay regalo raw niya ‘yun sa kanyang sarili, mas masarap magtrabaho na may inspirasyon, ‘yung meron siyang minamahal at may nagmamahal din pabalik sa kanya.

May natututuhan siyang aral, pero ang leksiyon kung minsan ay nasasapawan ng emosyon, kaya maraming nagsasabing walang kadala-dala si AiAi.

“Totoo, mabilis akong magmahal, pero alam ko na ang gagawin kapag nararamdaman ko na meron nang lokohan. Sa dami na ba naman ng pinagdaanan ko, e, malilinlang ko pa ang sarili ko sa mga ipinakikita at sinasabi sa akin ng lalaki?” tawa nang tawang komento ng Comedy Concert Queen.

vuukle comment

ACTOR

AKTIBO

BUKOD

COMEDY CONCERT QUEEN

NANG

SINGER

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with