^

PSN Showbiz

Hairdresser na dating inaapi naging award winning at yumaman

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang award-winning na hairdresser at hair expert si Nikki Bacay na ngayo’y may-ari na ng ilang high-end salons sa bansa. Ngunit bago niya nakamit ang karangalan at kayamanan, pinagtawanan at inapi siya sa kanilang probinsiya sa Mindoro dahil sa pagiging bakla.

Tunghayan kung paano nalagpasan ni Nikki ang mga pagsubok sa buhay upang maabot ang ta­gumpay mula kay Karen Davila ngayong Miyer­kules (Oct 22) sa My Puhunan.

Pinanganak man sa katawang lalaki, bata pa la­mang ay alam na ni Nikki na mayroon siyang pusong babae. Itinago niya ito sa kanyang pamilya, ngu­nit nalaman rin ito pati ng kanyang mga ka­klase. Naranasan niyang ma-bully sa eskwelahan at bugbugin ng kanyang mga kuya.

Upang matakasan ang kanyang masamang karanasan, nakipagsapalaran si Nikki sa Maynila. Nagtrabaho siya bilang ‘boy’ upang makatapos ng high school.

Napadpad din siya sa Olongapo kung saan niya natagpuan, hindi lamang ang pagtanggap sa kanyang kasarian, kundi maging ang oportunidad upang maging isang professional hairdresser.

Ngayong Martes, (Oct 21) naman sa Mutya ng Masa, ilalahad ni Doris Bigornia ang mga naging karanasan ng ilang taong gumaling sa kani-kanilang karamdaman sa pamamagitan ng paglublob sa umano’y milagrosong tubig ng Turumba Pool. Masisilayan din ang bonding moments ng top 30 na semi-fina­lists ng Mutya of the Universe search ng programa para sa best kasambahay.

Tutukan ang My Puhunan ngayong Miyerkules (Oct 22) at  Mutya ng Masa bukas (Oct 21), 4 p.m. sa ABS-CBN.

vuukle comment

DORIS BIGORNIA

KAREN DAVILA

MUTYA

MUTYA OF THE UNIVERSE

MY PUHUNAN

NGAYONG MARTES

NIKKI

NIKKI BACAY

TURUMBA POOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with