^

PSN Showbiz

Joross at GF, pati sina Bianca at JC gusto ng pribadong kasal

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Bago ang tinaguriang Royal Wedding nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa dara­ting na December 30, 2014 na gaganapin sa Immaculate Conception Cathedral in Cubao, Quezon City, dalawang celebrity wedding mu­na ang magaganap, ang magkahiwalay na wedding nina Joross Gamboa at non-showbiz girlfriend niyang si Katz Saga on November 29 at ang kasal nina Bianca Gonzales at ca­ger fiancé niyang si JC Intal on December 10.

Christian wedding ang mangyayari kina Joross at Katz habang sa isang Catholic church.

Unlike other celebrity weddings, gusto nina Joross at Katz at maging sina Bianca at JC na maging tahimik lamang ang kanilang kasal kaya hindi sila nagbibigay ng detalye tungkol sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib which they rightly deserve.

Kylie first time nakatungtong sa ‘bakuran’ ni Rayver

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapag-guest ang Kapuso actress na si Kylie Padilla sa The Buzz ng ABS-CBN last Sunday kasama si Rayver Cruz para sa promo ng movie nila under Regal Films, ang Dilim, written and directed by Joey Javier Reyes. First time bale ni Kylie na tumungtong sa bakuran ng ABS-CBN at ang multi-media star na si Toni Gonzaga pa ang nag-interview sa dalawa.

Ang Dilim ay launching movie ni Kylie sa bakuran ng Regal Films kung saan niya leading man ang Kapamilya actor na si Rayver na unti-unting nade-deve­lop na yata.

Eight months nang single si Kylie after their break-up ni Aljur Abrenica habang three years nang loveless si Rayver matapos ang break-up nila ni Cristine Reyes.

Kahit hindi pa nanliligaw si Rayver kay Kylie, mukhang hindi mahihirapan ang Kapamilya actor sa ama ni Kylie na siya pang nagsabi sa kanyang dalaga na mabait umano ang binata.

Jolina at Marvin papalitan sina Ser Chief at Maya

Balik-tambalan ang dating mag­­ka-loveteam na sina Jolina Mag­da­ngal at Marvin Agustin sa ABS-CBN kung saan sila parehong nag-simula. Magkakasama ang dalawa sa isang bagong serye, ang Florde­liza na siyang makakapalit ng long-running morning TV series na Be Careful with My Heart nina Ser Chief at Maya na magtatapos na sa November 28.

Masaya pareho sina Jolina at Marvin sa ka­ni­lang balik-tambalan at maging sa muli nilang pagbabalik sa bakuran ng ABS-CBN. After ABS-CBN, parehong naging Kapuso (GMA) ang da­lawa. Naging Kapatid (TV5) din si Marvin pero nga­yon ay isa na siyang freelancer tulad ni Jolina na sa pagkakaalam namin ay expired na rin ang kontrata sa GMA.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ANG DILIM

BE CAREFUL

JOLINA

MARVIN

RAYVER

REGAL FILMS

SER CHIEF

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with