^

PSN Showbiz

Pati paggupit ng kuko ipinaaalam pa sikat na basketbolista na nakikipagbalyahan sa court hindi pa rin nakakawala sa saya ng nanay!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming liga ng basketball ngayon. Kabubukas lang ng PBA nu’ng Linggo nang hapon sa Philippine Arena, katatapos lang ng UAAP, kasalukuyan pang ginaganap ang kampeonato ng NCAA.

Sadyang mahilig sa basketball ang mga Pinoy, lalaki at babae, sangkabaklaan at katibuan ay sumusuporta sa basketball.

Kapag ganu’n ay may naaalalang sikat na basketbolista ang aming source, kilalang-kilala siyang miyembro ng isang koponan sa professional league, mama’s boy kasi ang lalaking nakikipagbalyahan sa kanyang mga kalaban.

Kuwento ng aming source, “Sobra ang pagka-mama’s boy ng player na ‘yun! Titingnan mo siyang super-brusko sa hardcourt, nakikipagbalyahan sa kabantayan niya, pero saan ka, hindi siya kumikilos nang hindi muna ipaaalam sa mommy niya ang gusto niyang gawin.

“Kunwari, simpleng paggugupit lang ng kuko. Hawak niya ang nailcutter, hindi naman mommy niya ang mayhawak ng panggupit ng kuko, pero nagpapaalam pa muna siya kung puwede na niyang putulan ang fingernails niya.

“Nakakaloka, di ba? Makikita mo siyang halos makipagpitpitan na ng balls sa hardourt, tapos, paggupit lang pala ng mga kuko niya, e, kailangan pa niyang ipagpaalam sa mommy niya?” simula ng aming impormante.

Nagkaroon ng karelasyong female celebrity ang nasabing basketbolista, hindi niya sinusunod ang gustong ipainom o ipakain sa kanya ng girlfriend niya, kung gawin man niya ‘yun ay kailangan pa muna niyang tawagan ang mommy niya kung puwede niyang gawin ang sinasabi ng karelasyon niya.

“Ganu’n siya ka-mama’s boy, ibang klase siya, hindi pa rin siya nakalalaya sa laylayan ng saya ng nanay niya kahit pa sikat na siyang basketball player. Ang galing niyang mag-shoot, ang husay niyang mag-assist, magaling talaga siyang basketball player pero hanggang ngayon, mama’s boy pa rin siya,” dagdag pa ng aming source.

Ang produktong ibinebenta ng kanyang team ay iniinom. Puwedeng energy drink ‘yun o inuming nakapagpapadulas ng dila at nakalalasing.

Ubos!

Pacman nagbigay-ningning sa opening ng PBA

Hindi man nakaiskor ang Pambansang Kamao sa laban ng kanyang team sa PBA ay hindi maikakaila na isa siya sa mga personalidad na nagbigay-ningning sa pagsisimula ng conference ng ginanap sa Philippine Arena na nakalulula sa kalakihan.

Sa unang quarter lang ginamit ng KIA si Congressman Manny Pacquiao, pagkatapos ay mas tinutukan na niya ang pagko-coach kasama ang dating basketbolistang si Glenn Capacio, tinambakan sila nu’ng una pero naipanalo nila ang laban.

Nu’ng umaatake na ang kanyang koponan para mapalayo ang kalamangan nila dahil sa gilas ni LA Revilla ay sigaw nang sigaw ang Pambansang Kamao, lagi niyang sinasabi sa kanyang mga players ang salitang “mintin lang” na ang ibig niyang sabihi’y i-maintain lang ng mga ito ang atakeng pumapabor sa kanila, matinding palakpakan at sigawan ang isinalubong kay Pacman sa opening ng PBA.

Kahapon nang umaga ay bumalik na rin siya sa GenSan kung saan siya nag-eensayo para sa nalalapit niyang laban, pinayagan lang daw siyang maglaro-mag-coach ni Freddie Roach sa isang kundisyon, hindi maaapektuhan ng basketball ang kanyang pagboboksing.

Ang kanyang misis na si Jinkee Pacquiao ang muse ng KIA.

vuukle comment

CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO

FREDDIE ROACH

LANG

NIYA

NIYANG

PAMBANSANG KAMAO

PHILIPPINE ARENA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with