^

PSN Showbiz

Man-Kee humataw sa PBA

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa laban ni Nonito Donaire at sa bonggang opening ng PBA 40th Season naka-focus ang lahat ng tao kahapon.

Pero sadly, natalo si Donaire at nakakalungkot ang hitsura niya matapos mapuruhan ng kalaban. Sa PBA naman ay umagaw ng eksena si Jinkee Pacquiao bilang muse ng KIA, kaya tren­ding na trending ang mag-asawang Manny Pacquiao at Jinkee na tinawag nga nilang Man-Kee.

Pero inabangan din sina Megan Young, Ellen Adar­na, Alice Dixson, at iba pa.

Nagbunyi naman ang fans ng Man-Kee sa pagkapanalo ng Kia laban sa Blackwater kaya la­long nag-trending ang mag-asawa.

Alden huhusgan kung kinaya si Rizal

Magsisimula nang mapanood ngayong gabi ang Ilustrado. Isang buwang matutunghayan ang ilang mga pangyayari sa buhay ng bayaning si Dr. Jose Rizal mula sa pagiging mag-aaral dito sa Pilipinas hanggang sa pagtira niya sa Europa.  Tampok din sa Ilustrado ang malalaking kaganapan sa buhay ni Rizal pati na ang mga taong humubog at nagkaroon ng impluwensiya sa kanya.

Sa pamamagitan ng mga sulat ni Rizal sa kanyang pamilya at mga kaibigan,  ilalarawan sa Ilustrado ang mga sakripisyo at pakikipagsapalaran niya sa Europa. At sa pamamagitan naman ng kanyang mga love letters, matutunghayan ang kanyang relasyon sa mga kababaihan.

Tampok sa Ilustrado si Alden Ri­chards na gaganap bilang si Jose Rizal.

Makakasama niya ang mga Kapuso stars na sina Kylie Padilla, na gaganap bilang Leonor Rivera, at Solenn Heussaff bilang Nellie Boustead.  Si Leonor Rivera ang pinaniniwalaang first love ni Rizal samantalang si Nellie Boustead ay isang Pranses na muntik nang pakasalan ng pambansang bayani.

Tampok din sina Eula Valdez bilang Teodora Alonzo, Ricardo Cepeda bilang  Francisco Mercado, Freddie Webb bilang Don Jose Alberto, Marco Alcaraz bilang Paciano Mercado, at Jhiz Deocareza bilang batang Rizal.

Mayroon din mga fictional characters sa Ilustrado na kumakatawan sa mga umapi kay Rizal at sa kanyang pamilya.  Gagampanan ito nila Jaclyn Jose at Polo Ravales - ang mag-inang Conchita at Venchito Monteverde.  Kasama rin sina Lito Legaspi bilang Padre Amado at si Sean Ross bilang batang Venchito.

Mula sa direksyon ni King Marc Baco, kinunan ang Ilustrado gamit ang Arri Alexa camera at mga high-end lens mula sa CMB Film Services Inc. Gamit naman ang up-to-date 3D visual effects technology, muling nabuo ng GMA Post Production ang engrandeng mga bayan sa Europa kung saan tumira si Rizal at tinapos ang kanyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi simula Oktubre 20 pagkatapos ng Hiram na Alaala sa GMA Telebabad.

Ayon kay King Marc, pam-pelikula ang kalidad nitong ginawa nila rito kaya malalaman natin kung tama ang sinasabi niya sa pagsisimula nila.                    

vuukle comment

ALDEN RI

ALICE DIXSON

BILANG

ILUSTRADO

NELLIE BOUSTEAD

RIZAL

TAMPOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with