^

PSN Showbiz

Aktor hindi man lang nakasiping ng ex na nag-feeling asawa niya

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi man lang pala nagkaroon ng sexual encounter ang isang actor at non showbiz girlfriend niya noon na matagal-tagal ding nagkaroon ng relasyon.

As in wala raw nangyari sa dalawa. Hanggang titigan at kilitian lang daw ang nangyari.

Parehong proud si actor at non showbiz girl sa kanilang relasyon noon. Lagi silang magkabuntot at   impression sa showbiz circle, nagpakasal pa sila. Naging father figure din daw kasi si actor sa mga anak ng non showbiz girl na peke raw ang pagiging mayaman.

Pero kahit na parang mag-asawa na ang kanilang set up, hindi man lang pala sila nagkaroon ng  encounter sa bed.

“Yun ang maipagmamalaki ni actor. Hindi siya ‘nalawayan’ ni non showbiz girl. Kahit saan sila magkita ngayon kayang magmalaki ni actor na hindi siya nakuha,” sabay hagalpak ng tawa ni source nang makausap ko.

May ibang karelasyon na si aktor at si non showbiz girl, meron na rin. Pero hindi raw ito matagalan ng mga nakaka-on niya dahil nga maraming shameful secrets na hindi ma-stomach pag nakaka-relasyon ni non showbiz girl.

Si actor ay napapanood ngayon sa isang comedy show at active pa rin sa showbiz activities.

Goma niyari ang party list na pinag-initan si Coco

Ipinagtanggol ni Richard Gomez si Coco Martin na ayaw tantanan ng mga ‘moralista’ sa ginawa nitong pagrampa sa under garments fashion show na The Naked Truth.

“Eto, this is my opinion. Alam naman nating malapit na ang eleksyon, so ‘yung mga party-list group, sila ‘yung maiingay, naghahanap ng issue. Ganu’n lang kasimple ‘yun.

“Eh papano kung ‘yung lalaki ang itinali natin, ‘di ba? Mayroon bang rightist group para sa mga lalaki? It’s a show, ‘di ba? It’s a circus,” sabi ni Goma sa presscon kahapon ng indie film na The Janitor na ipalalabas sa mga sinehan starting October 8, at idi-distribute ng Star Cinema.

Katuwiran pa ni Goma, hindi dapat mag-sorry si Coco o maging ang clothing company na Bench.

“Walang dapat mag-sorry. Maraming importanteng bagay na dapat nating bigyan ng focus. Eto, ine-entertain nila tayo, pinapakita nila kung ano ba ang fashion for the coming season. ‘Yun lang naman,” dagdag na pahayag ni Goma.

In fact,  kung sa kanya nga raw ‘yun na-assign, gagawin din niya ‘yun.

So may sagot kaya rito ang mga ayaw tantanan si Coco?

Anne todo-birit sa Canada

Pinagkaguluhan ng higit sa 6,500 na Pinoy sa Toronto at Edmonton, Canada ang buong It’s Showtime family na nagpasaya sa kanila sa back-to-back shows noong September 20 at 21.

Talaga raw nabusog ang mga nanood sa siksik na three-hour show kung saan bigay-todong bumirit si Anne Curtis ng mga kanta gaya ng Let It Go at  Halik.

Ayon sa nagbalita, patok na patok din ang pagpapatawa nina Vice Ganda, Vhong Navarro, at Billy Crawford sa kanilang comedy skit. Humirit pa raw  si Vice ng pagkanta ng theme songs ng Kapamilya teleseryes na bumenta sa mga Pinoy.

Hindi rin daw nagpahuli si Jhong Hilario dahil hinarana niya ang mga kababaihan sa pamamagitan ng kanyang sexy dance moves.

Bukod sa pagbibigay sa mga Kapamilyang nasa Canada sa live shows, naglaan din ng panahon ang hosts na bisitahin ang dalawang masugid na TFC (The Filipino Channel) subscribers doon – isang lola at isang caregiver – na sinorpresa pa ng video ng kanilang mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas.

Nagsilbi ring bonding opportunity ng lahat ng hosts na sina Anne, Vice, Vhong, Billy, Karylle, Kuya Kim, Jhong, Ryan, Coleen, Jugs, at Teddy, at Eruption ang bakasyong ito sa Canada, at balita pa’y ayaw na raw umuwi ni Ryan matapos makita ang Niagara Falls.

Magsi-celebrate ng fifth anniversary ng top-rating noontime show ngayong Oktubre.

                                        

vuukle comment

ANNE CURTIS

BILLY CRAWFORD

COCO MARTIN

GOMA

SHOWBIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with