^

PSN Showbiz

Heart at Marian dapat magpalit ng brand ng mga gamit para hindi nagkakapareho

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Ginagaya nga ba ni Heart Evangelista si Marian Ri­vera? Hindi naman si­guro, kahit talagang napakaimposible ‘yung pagkakapareho ng mga damit, at iba pang gamit na nakikita sa kanila. Dapat siguro mag-iba sila ng brand o label ng gamit para hindi sila nagkakapareho. One has to take the initiative. Sino naman kaya sa kanila ang gagawa nito?

Mga bukol big deal na big deal!

Pati bukol binigyan ng importansya sa nakaraang The Naked Truth fashion event. Kalokah!  Marami sa mga rumampa ang pinagdudahan ang sukat ng kanilang mga harapan. Ngayon kailangan pa nilang patunayan na totoo nga at hindi peke ang kanilang mga bukol. Kalokah talaga!

DongYan bongga ang stag party at bridal shower

Grabe! Ang stag party ni Dingdong Dantes at shower party ni Ma­rian Rivera sa abroad pala ginaganap. Ang suswerte ng mga makakabilang sa parehong event na ito. Ewan ko lang kung gastos ng future bride and groom ang pamasahe ng mga magiging bisita nila o ang mga bisita ang gagastos sa kanilang pamasahe? In any case, bongga sila!

Ara hindi na sumasagot tungkol sa tsismis kay Cristine

Bigla, nagkaro’n na naman ng paghihinala kung buntis man o hindi si Cristine Reyes. Dati kasi ay itinanggi na ito ni Ara Mina. Pero ngayon ay tila hindi na siya sigurado. Ano nga kaya ang totoo?

vuukle comment

ANO

ARA MINA

CRISTINE REYES

DINGDONG DANTES

HEART EVANGELISTA

KALOKAH

MARIAN RI

NAKED TRUTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with