^

PSN Showbiz

Female personality grabe ang kakatihan, kahit sa ilalim ng tubig nakikipagchurvahan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung isasalin sa libro ang mga kuwento tungkol sa sex life ng isang popular na female personality ay hindi pala ‘yun makukumpleto sa isang bagsakan lang.

Siguradong may susunod pa, mga ilang libro pa ang kailangang buuin at ilabas, dahil napakaraming istorya tungkol sa pakikipagrelasyon-pakikipagniig ng nasabing babaeng personalidad.

Kuwento ng isang source, “Nu’ng bagets pa siya, sumuko sa sobrang init ng libido niya ang isang young actor. Talagang palaging nanlalambot ang tuhod ng guy, gusto na siyang ibili ng balut ng mga kaibigan nila.

“Nu’ng nasa Baguio sila para maglaro ng basketball, hindi masyadong pinakinabangan ang lalaki dahil latang-lata, ni hindi makapag-dribble, pala­ging naaagawan ng bola, dahil nga masyado siyang pinagod ni ____(pangalan ng isang female personality na parang nagbibihis lang ng damit kung magpalit ng karelasyon nu’n).

“Nag-swimming sila pagbaba sa La Union, ang akala ng lalaki, e, libre na siya, pero hindi pa rin pala, dahil type na type pala ng girl ang underwater lovemaking!

“Nakakaloka ang babaeng ‘yun nu’ng bagets pa siya, wala siyang pinatatawad na lugar, siya ang puwedeng tawagin talagang babaeng walang pahinga sa pakikipagchurvahan,” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Nag-show ang isang grupo ng mga Pinoy entertainers sa isang malamig na bansa. Pagkatapos ng show ay bumalik agad ang female personality sa hotel, hindi na siya sumama sa dinner na ibinigay ng show producer, busog pa raw siya.

Agad-agad na komento ng source, “Busog siya talaga, hindi siya nagugutom, pero gutom siya sa ibang bagay dahil nakakailang araw na sila sa place na ‘yun. Meron pala siyang nakilalang bagets sa backstage, Fil-Am ang guy, isinama niya ‘yun sa hotel.

“Antok na ang buong tropa pagkatapos ng dinner, pero hindi sila makatulog, naririnig kasi nila ang mga sigaw at halinghing ng kasamahan nilang female personality na may solo concert ding ginagawa sa kuwarto,” kuwento ng aming source.

Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi pa todo ang mga kuwentong ito! Hindi pa! Ubos!

Robin kinukuyog ng mga pulitiko para kumandidato sa 2016

Si Mariel Rodriguez mismo ang nagkuwento kay Grace Lee sa Aksyon Sa Umaga na maraming pulitikong lumalapit ngayon kay Robin Padilla para kumbinsihin ang action star na kumandidato sa 2016.

“Marami talaga, as in, may mga ibinibigay pa silang figures! Nagpupunta talaga sila, kinakausap nila si Robin para kumandidato sa 2016, pero wala siyang tinatanggap,” pagpapatotoo pa ng magandang host ng Talentadong Pinoy.

Minsan nang nakilahok sa mundo ng pulitika si Robin Padilla nang kumandidato siyang vice-governor sa Nueva Ecija. Bagito pa lang siya nu’n, hindi pa niya kabisado ang likaw ng bituka ng pulitika sa Pilipinas, natalo siya.

Pagkatapos nu’n ay parang nawalan na siya ng interes sa anumang posisyon sa gobyerno, sa halip ay naging mapagmasid pa nga siya, isa si Robin Padilla sa iilang artistang nakikilahok sa mga rally kontra sa pamahalaan para idiin ang kanyang paninindigan.

Sinabi rin ni Mariel na wala pa sa mga prayoridad nila ni Robin ang pagkakaroon ng anak sa ngayon. Aminado ang TV host na hindi pa ito handang humawak ng sensitibong responsibilidad, pero hindi raw naman sila papayag ni Robin na mawalan ng produkto ang kanilang pagmamahalan.

“Siya lang muna ang baby at bine-baby ko sa ngayon. Wala siyang kaagaw sa attention ko,” nakangiti pang kuwento ng halatadong maligayang-maligayang si Mariel Rodriguez.

vuukle comment

AKSYON SA UMAGA

GRACE LEE

LA UNION

MARIEL RODRIGUEZ

NUEVA ECIJA

ROBIN PADILLA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with