^

PSN Showbiz

Kylie ni-reject ang pakikipagbalikan ni Aljur

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Bukod sa paghahanda sa nalalapit na kasal ni Heart Evangelista sa February 15, 2015, pinagkakaabalahan din ng Startalk host ang nalalapit na painting exhibit niya na pinamagatang Love Marie.

Labing-isang paintings nito ang i-exhibit niya sa Joaquin Gallery sa may San Juan na magbubukas na sa darating na Sabado.

Inaasahan ni Heart na dadaluhan ito ng mga magulang niya dahil okay naman na raw sila.

Proud naman ang mga magulang ni Heart sa talent niya sa pagpi­pinta, kaya sana nga dumating sila para maging kumpleto naman daw ang kasiyahan niya.

Sabi ni Heart, iyun na raw ang huling exhibit niya bilang single.

PAK: Totoo kayang isang 52-year-old na mayamang negosyante ang kasalukuyang karelasyon ng kontrobersyal na actress/TV host na si Kris Aquino?

Parang ayaw naming maniwalang papasok si controversial actress/TV host sa ganung relasyon dahil mahilig siya sa guwapo at  kilalang personalidad.

Pero reliable ang nagkuwento sa amin dahil nagpaalam pa raw si mayamang businessman sa dating asawa na baka magulat siya kapag mabalitaan niyang involved ito ngayon kay controversial actress/TV host.

BOOM: Inamin ni Kylie Padilla na gustong makipagbalikan sa kanya si Aljur Abrenica, pero hindi niya ito tinanggap.           

“Hindi talaga nag-work eh,” pakli ng Kapuso young actress.

“‘Yung mga nangyari, hindi madaling kalimutan eh. Para may respeto sa relasyon namin, tapusin na lang.

“Hindi rin kasi maganda na magsama kayo kasi may samaan pa ng loob. Ibabalik mo ‘yun eh. So, ayoko nang masira pa lalo.

“Saka mas gusto ko na kung sino na ako ngayon talaga. Ibang-iba na ang Kylie ngayon kesa sa Kylie noon,” dagdag pa niyang pahayag.

Isa rin si Kylie sa nanghihinayang sa desisyon ni Aljur na umalis at kasuhan pa ang GMA 7.

Hindi raw sana niya ginawa iyun, dahil mahirap naman daw na kalabanin ang istasyon.

 

 

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

HEART EVANGELISTA

JOAQUIN GALLERY

KRIS AQUINO

KYLIE PADILLA

LOVE MARIE

NIYA

SAN JUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with