^

PSN Showbiz

Dennis inaming lumabas sila ni Jennylyn after mag-recording

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Naka-post sa IG ni Dennis Trillio ang taping nila ni Rocco Nacino sa Fort Magsaysay, kung saan sumakay sila ng military helicopter. Hindi pa nabanggit ni Dennis kung sa taping na ‘yun siya tumalon sa eroplano o nakunan na. Sinorpresa pala si Dennis ng GMA-7 dahil sa presscon, ipinakilala siyang Drama King ng network, bagay na ikinagulat nito. Napa-“ano ba ‘yun” daw siya nang marinig na may title na siya at inaming hindi siya sanay at uncomfortable siya. Pero inisip din na baka regalo ‘yun ng istasyon kapalit nang paghihirap ng kanilang talents sa kanilang trabaho.

Lalo pang nahiya si Dennis nang banggitin ng press na Drama King ang title ni Christopher de Leon na isa sa magaling na aktor ng bansa. May title man at wala, gagawin pa rin niya ng mabuti ang kanyang trabaho, lalo na rito sa Hiram na Alaala. Sa September 22, mapapanood na ang pinaghirapan ng Team Hiram na Alaala.

Samantala, ayaw pangunahan ni Dennis si Jennylyn Mercado sa pagkukuwento sa duet nilang After All sa album ng singer-actress sa GMA Records. Ang sabi lang, sabay silang nag-record ng song na original nina Cher at Peter Cetera at theme song ng movie na Chances Are.

After ng duet sa album, puwede na raw silang magtambal uli sa teleserye dahil wala siyang nire-reject na project. Kumain sila after ng mag-record at may mga nakakita kaya natsitsismis na sila.

Gabby Iniyakan ang Miracle...

Naka-post sa Instagram (IG) ni Gabby Eigenmann ang tattoo niya ng picture ng amang si Mark Gil sa pelikulang Batch ’81 na nakapiring ang mga mata. Isa ang movie sa pinakamagandang pelikula ni Mark Gil. Nasa left upper chest ni Gabby ang tattoo, kaya lang, nang muli naming i-check, inalis na ang picture, bakit kaya?

Anyway, hindi na lang sa Dading aabangan si Gabby dahil malapit na ang airing ng Miracle in Cell No. 7, ang Korean movie na nagpaiyak sa maraming nakapanood na. Dubbed in Tagalog ang movie, kung saan, si Gabby ang nagboses sa bidang la­la­ki at boses ni Mona Louise Rey ang nagboses bilang kanyang anak.
Kuwento ni Gabby, naiyak siya ha­bang nagda-dubbing dahil sa mga ek­sena ng mag-ama lalo na ‘yung sa kulungan. Ang husay din daw ni Mona Louise at magpapaiyak din ito sa te­leviewers.

Bianca ikakasal na kay JC sa Disyembre

Ikakasal na rin pala this year si Bianca Gonzalez at sa second week ng December daw ang kasal nito sa fiancé niyang si JC Intal. Wala pa lang details, gaya ng exact date at kung saang church ang kasal ng engaged couple.

Aksidenteng nalaman ang tungkol sa pagpapakasal nina Bianca at JC dahil may kumausap sa future Mrs. Intal sa partisipasyon niya sa isang very important showbiz occasion before the year ends.

Mga bagets ng Strawberry... naimpluwensyahan ni Chanda na maging malinis

Natutuwa ang fans ng love team nina Kristoffer Martin at Joyce Ching dahil kahit wala sa cast ng Strawberry Lane ang young actor, pinu-promote pa rin ang seryeng mapapanood na simula ngayong Lunes pagkatapos ng 24 Oras.

Si Kiko Estrada ang partner ni Joyce sa simula ng story. Dahil si Kim Rodriguez ang ka-love team ni Kiko, siguradong sila ang magkakatuluyan. May chance din na makasama niya sina Sunshine Dizon, Chanda Romero, at Boots Anson-Roa.

Ang laki ng impluwensya sa kanila ni Chanda na nagtuturo sa kanila ng cleanliness sa set. Pinupulot daw nito ang mga kalat sa set na pinapraktis na rin nila at dahil kay Chanda, nahihiya na silang magkalat.

 

vuukle comment

AFTER ALL

ALAALA

BIANCA

BIANCA GONZALEZ

BOOTS ANSON-ROA

CHANDA

DAHIL

DRAMA KING

MARK GIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with