^

PSN Showbiz

Boy Abunda nabiktima rin ng ‘pamamaslang’ sa social media

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: May karma na naghihintay sa tao na “pumatay” kay Boy Abunda sa social media at nagkakalat ng walang katotohanan na balita tungkol sa kalagayan niya.

SCENE: Twenty pounds ang nabawas sa timbang ni Boy Abunda dahil sa operasyon sa kanya. Magbabakasyon muna si Boy sa mga programa niya sa telebisyon habang nagpapagaling siya at nanggaling ang impormasyon mula sa kanyang personal assistant. 

SEEN: Ang special screening ng Batch ’81 noong Lunes bilang paggunita sa 5th death anniversary ng film critic na si Alexis Tioseco at ng kanyang girlfriend na si Nika Bohinc na kapwa pinaslang sa kanilang tahanan sa QC noong September 1, 2009.

Bida sa Batch ’81 si Mark Gil na sumakabilang-buhay noong Lunes, September 1. 

SCENE: Ang martial arts at combat sport na Jiujitsu ang sikreto ng mabilis na pagpayat nina Richard Gutierrez, Geoff Eigenmann, at Sid Lucero.

SEEN: Pararangalan ngayon sa Senado si Gabriel Luis Moreno, ang apo ni German Moreno na gold medalist sa Archery Competition ng 2014 Nanjing Summer Youth Olympics. 

SCENE: Excited na ang mga bata sa Disney Live! na mapapanood sa Mall of Asia Arena mula September 10 hanggang September 14. Disney Princesses ang theme ng Disney Live!

SEEN: Ang strong possibility na best actress nomination kay Anne Curtis sa susunod na taon dahil sa pagganap niya sa The Gifted na palabas na sa mga sinehan ngayong araw. 

SCENE:  Isang horror movie at hindi romantic movie ang Maria Leonora Teresa, ang pelikula ng Star Cinema na ipalalabas sa mga sinehan sa September 17.

Ang Maria Leonora Teresa ang pangalan ng sikat na manika ng  love team nina Nora Aunor at Tirso Cruz III noong dekada ’70.

vuukle comment

ALEXIS TIOSECO

ANG MARIA LEONORA TERESA

ANNE CURTIS

ARCHERY COMPETITION

BOY ABUNDA

DISNEY LIVE

DISNEY PRINCESSES

GABRIEL LUIS MORENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with