^

PSN Showbiz

Cristine mas pinili ang boyfriend?!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Isang magandang oportunidad ang pinalampas ni Cristine Reyes nang tumanggi itong ma­ging leading lady ni Ejay Falcon sa isang bagong teleserye na gagawin ng ABS-CBN. Pinalitan na siya ni Ellen Adarna na masaya naman kahit pa second choice siya dahil habang marami ang tumatanggi na magpasexy sa kanilang mga project.

Isang revival ng isang Mexi­can telenovela, ang Passion de Amor ang inayawan ni Cris­tine dahil nga sa mga sexy scenes na kailangan niyang gawin. Sa isang interview sa TV ay sinabi niyang napag-uu­sa­­pan na nila ng kanyang karelasyon ngayon na nakilala niya sa isang church service ang pagpapa­kasal kaya hangga’t maaari ay ayaw niyang masira siya sa kanyang pangako na huling pagpapasexy na niya ang Trophy Wife.

Toni at Alex puwedeng pamalit kina Kris at Boy

Hindi masama at mukhang kaya rin ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga na palitan bilang mga host sina Boy Abunda at Kris Aquino sa Aquino & Abunda Tonight. Pero dapat palitan ang titulo ng programa para bumagay sa magkapatid na nung minsang mag-proxy sa nasabing public affairs program ay maganda namang naitawid ang kanilang trabaho. Balak magbawas ni Boy Abunda ng kanyang trabaho for health reasons. At hindi naman siguro welcome kay Kris na mag-isa lang siya sa A&A dahil gabi-gabi ay tinatawagan nito ang kapareha at pilit tinatanong kung kailan ito magbabalik sa show.

Kapag nagklik din sa kabilang istasyon ang pan­samantalang kapalit ni Marian Rivera sa dance show niya ay baka tuluyan na siyang hindi bumalik sa show. Kinakailangan kasi na personal na asikasuhin ni Marian ang nalalapit nilang kasal ni Dingdong Dantes kaya dapat siyang magbakasyon sa programa para magawa ito.

Kris pumayag nang maging nanay

Aware  si Kris Bernal na hindi lalago ang karera niya kung magpapatuloy siya sa pagganap ng mga roles na pa-tweetums. Hindi na rin naman siya bu­ma­bata kaya napagdesisyunan niya na tumanggap na ng mature roles. Tulad ng sa Hiram na Alaala na tatampukan din nina Dennis Trillo at Rocco Na­cino. Hindi isang bagets kundi role ng isang may asawa at may mga anak ang gagampanan ni Kris, kaya ngayon pa lang  ay panay na ang pag-aaral niya ng kanyang role.

 “Masosorpresa ang mga sumusubaybay sa career ko. Ibang-ibang Kris ang mamamalas nila dito. Marami ang baka mabigla, pero kailangan ko na talaga ang mag-grow. Tulungan na lang nila akong magdasal para magawa kong maganda ang role ko,” pakiusap ng aktres.

 

vuukle comment

ABUNDA TONIGHT

ALEX GONZAGA

BOY ABUNDA

CRISTINE REYES

DENNIS TRILLO

DINGDONG DANTES

EJAY FALCON

ISANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with