^

PSN Showbiz

Sen. Chiz sampung anak kay Heart ang gusto!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kung si Senador Chiz Escudero ang masusunod, hanggang 10 anak ang gugustuhin niya na ipag­kaloob sa kanya ng ma­giging ginang niya na si Heart Evangelista. At taun-taon itong mangya­yari kung kakayanin ng mapapangasawa niya. Pero hindi agad-agad. Pagkatapos ng kanilang kasal sa susunod na taon, na mangyayari sa kaa­rawan ng magiging bride. Pero i-enjoy muna nila ang isa’t isa, mga ilang taon muna siguro bago nila simulan ang bumuo ng pamilya.

Kahit may asawa na ay papayagan pa rin ng pulitiko ang kanyang asawang artista na ipagpatuloy ang kanyang trabaho. Pero si Heart na mismo ang nagsabi na baka hindi na siya gumawa ng trabaho na kinakailangang bigyan niya ng mahabang panahon. Mas gus­to niyang magkasama silang madalas ni Sen. Chiz. Kung sakali, baka mga hosting jobs na muna ang gagawin niya, pero ang sigurado ay ipagpapa­tuloy niya ang kanyang pagpipinta.

Karibal ni Daniel anak ni Robin type na type si Kathryn kaya mag-aartista na rin

Mukhang may malakas na makakaribal si Da­niel Padilla sa ka-love team niyang si Kathryn Bernardo. Crush na crush daw ito ng bunso ni Robin Padilla na si Ali. At kahit nasa Australia ito kasama ang ina, pumapayag ito sa anyaya ng kanyang ama na umuwi rito at subukin ang pag-aartista. Pero at 15, ipinamamahala ng ba­gets sa kanyang inang si Liezl Sicangco ang pagpapasya. Kung si Liezl ang masusunod, ayaw niyang papag-artistahin si Ali dahil takot siyang magaya ito sa kanyang ama na ma­ging chickboy.

Wala naman palang dapat ipag-alala si Daniel sa kanyang nakababatang pinsan. Hindi lamang si Kathryn ang gustong  makita ng bagets sa pagbabalik niya.

‘Di pahuhuli, Daniel may serye na rin!

Hindi rin naman pahuhuli si Daniel Ma­tsunaga sa mga kapwa niya house­mates na meron nang pro­ject sa ABS-CBN ngayon. Meron din siyang tele­ser­ye kung saan ay makakasama niya sina Ejay Falcon, Ellen Adarna, JC de Vera, at Coleen Garcia. Mapapansin na pare-parehong magagan­da ang katawan ng mga lalaking nabanggit. Bagay sa maaksyon at seksing teleserye na gagawin nila. Hindi naman siguro papayag ang Kapamilya Network na madehado ang big winner nila ng PBB All In.

May nagpayo rin kay Daniel na huwag nang pan­sinin ang mga bumabatikos sa kanya. Nangyari rin daw ‘yun sa kanya nun. Magpokos na lang daw ito sa pagpapaunlad ng kanyang craft ngayong may malaking network na magbibigay sa kanya ng break.

 

vuukle comment

ALI

ALL IN

COLEEN GARCIA

DANIEL MA

KANYANG

NIYA

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with