^

PSN Showbiz

Mommy D hindi makumbinse ni Pacman na mag-iba ng relihiyon

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Taong 2010 nang magsimula ang People’s Champ na si Rep. Manny Pacquiao na maging malapit sa Diyos sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bibliya na kanyang isinapuso at sinunod ang mga alituntunin.  Kaya naman binitiwan niya ang lahat ng kanyang mga bisyo – babae, alak, at sugal na hindi niya ikinahihiyang ibahagi sa lahat.

Maghapong nanatili ang kongresista ng lone district ng Sarangani sa detention cell ng magkaibigang senador na sina Jinggoy Estrada at Bong Revilla last Sunday.  Bukod sa sharing, doon na rin siya nag-lunch kasalo ang dalawang detained senators at kanilang respective families and friends.  Nasa mood na makipagkuwentuhan si Pacman at wala kaming nakitang trace ng pagiging malaking tao nito nang amin itong datnan.

Kabisadung-kabisado na si Pacman ang mga characters at verses ng Bibliya kaya karamihan sa mga bisita nina Sen. Jinggoy at Sen. Bong ay nagulat sa kanya.

I don’t know how Catholics would react nang sabihin ni Pacman na Paganism umano ang pagdadasal ng rosary na kung tutuusin ay parati niyang suot noon bago ang kanyang mga laban.  Pero magmula nang siya’y maging isang renewed Christian ay hindi na niya isinusuot ang rosaryo.

Tinanong din namin kung bakit hindi niya makumbinse ang kanyang inang si Mommy D sa kanyang bagong faith, bagay na ayaw naman daw niyang pilitin at ipilit at hinahayaan na lamang daw niya ang Holy Spirit na gumawa nito.

 “Kahit ako, never itong (Christian faith) ipinilit sa akin kundi kusa kong ginawa.  2010 pa lamang ay kinahiligan ko na ang pagbabasa ng Bibliya at magmula noon ay tuluy-tuloy na at lalo pang naging strong ang paniniwala ko sa Panginoon,” aniya.

Natawa kami kay Pacman nang aminin nito sa amin na “nag-send-to-all” text siya sa lahat ng mga babaeng kanyang nakarelasyon noon para sabihin na kumukalas na siya sa kanilang relasyon dahil nagbago na siya.  Hindi umano ito naging madali sa iba laluna doon sa may mga anak siya, pero firm ang kanyang desisyon na magbago.  Itinakwil niyang lahat ng kanyang mga bisyo kaya tuwang-tuwa umano ang kanyang asawa na si Sarangani Vice-Governor Jinkee Pacquiao na isa na ring renewed Christian katulad niya.

In-appreciate naman nang husto nina Sen. Jinggoy at Sen. Bong ang presence ni Congressman Manny last Sunday dahil bukod sa sharing, ginugol nito ang buong isang araw ng linggo to be with them na first time ginawa ng Pambansang Kamao.

“More than anything, he was here not just to share with us the words of God kundi bilang isang kaibigan,” pahayag ni Sen. Jinggoy na hindi pa rin nawawala ang pagiging palabiro.

Ate Vi at Angel magandang pagsamahin sa Darna

Magiging maganda siguro kung may special appearance sa Darna movie ni Angel Locsin si Gov. Vilma Santos na tatlong version ng Darna movies ang ginawa. Puwede na siya ang magpapasa kay Angel ng “mahiwagang bato” at makakasama rin ang  panganay nitong si Luis Manzano na nobyo naman ni Angel. Mas kumpleto siguro ang casting kung makakasama rin sa movie si Edu Manzano.

Except for Angel and Direk Erik Matti, ayaw pang magbigay ng detalye ang Star Cinema kung sinu-sino ang makakasama ni Angel sa bagong movie version ng Darna.

Maligayang bati Mother Lily!

Belated birthday greetings to Regal matriarch Mother Lily Monteverde last August 19.  Mother Lily, her family, relatives and friends celebrated her 75th birthday sa kanyang sariling events place sa Valencia in Quezon City.

vuukle comment

BIBLIYA

DARNA

JINGGOY

KANYANG

MOTHER LILY

PACMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with