^

PSN Showbiz

Magka-love team na ayaw umamin sa relasyon grabe ang kumakalat na voice mail

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Napakinggan namin ang sinasabing nag-leak na voice mail ng isang sikat na aktor na kausap ang aktres na ka-love team at ngayon ay GF na raw. Sa boses, obvious na bagong gising ang aktor, pero kung fan kaya niya, makikilala mo pa rin ang aktor.

Ang daming pinakawalang “I love you” ng aktor, sa simula pa lang ng pag-uusap nila ng aktres. Nag-“I miss you” pa ito sa kausap na para bang hindi sila nagkikita sa taping ng teleseryeng pinagtatambalan nila. O baka naman, talagang nami-miss nila ang isa’t isa at kulang ang pagsasama nila sa taping.

May rason para kiligin ang fans ng magka-love team na nakarinig din sa voice mail dahil kung pakikinggan at sa tono ng pag-uusap ng dalawa, mukhang may relasyon na ang mga ito. “Babe” ang tawag ng aktor sa aktres at bago tapusin ang pag-uusap, nag-“I love you” and “I miss you so much pa.”

Isa pa pala sa ebidensya ng fans ng magka-love team kung bakit sure silang ang aktor ang nagsasalita ay dahil tinawag nito ang kanyang pet dog at pinaggu-good morning din sa aktres. Eh, kilala ng fans nila ang pet dog ng aktor dahil bida sa kanyang Instagram (IG).

Ang hinihintay ng fans ng magka-love team ay kung kailan magkakaroon ng lakas ng loob ang dalawa na aminin ang kanilang relasyon.

Nanay ni Sid saksi sa simula nang relasyon nila ni Alessandra

Ang real-life couple na sina Sid Lucero at Alessandra de Rossi ang featured sa Wagas sa Saturday. Kung hindi kami nagkakamali, ngayon lang magsasama ang dalawa sa TV na umarte mula nang ibuking ni Heart Evangelista ang kanilang relasyon.

Sayang dahil malabong magkasama sina Sid at Alex sa teleserye dahil si Sid kasama sa My Destiny at si Alex ay nasa Ang Dalawang Mrs. Real. Sana sa susunod na teleserye, pagtambalin na ng GMA 7 ang magsyota.

Hinihintay na rin ng fans ng dalawa ang indie film nilang Mauban dahil sa pelikulang ito raw nagka-debelopan ang dalawa. Nasa cast din ng pelikula ang mother ni Sid na si Bing Pimentel at naging saksi rin daw sa pag-usbong ng pagmamahalan ng anak at ni Alex.

Miguel excited makarating sa Amerika

Ka-text namin si director Maryo J. delos Reyes noong isang araw at nabanggit na kasama si Miguel Tanfelix nina Tom Rodriguez, Carla Abellana, at Julie Anne San Jose na dadalo sa GMA Pinoy TV event sa Redondo Beach, California.

Sa Instagram (IG), ibinalita ni Miguel na ipina-renew na niya ang kanyang passport at nag-thank you sa DFA officials na nag-assist sa kanya. Sa September 27, ang alis ng grupo, pero  walang mami-miss na taping sa Niño si Miguel dahil after ng  show, kinabukasan, babalik din sila agad ng Pilipinas.

Kahit hindi makakapamasyal sa Los Angeles ang teen actor, super excited ito sa first time niyang pagpunta sa Amerika.

Aktres malapit nang mawalan ng career dahil sa maarteng manager

Kasalanan naman pala ng manager ng isang aktres kung bakit hindi nabibigyan ng project ng network ang kanyang alaga. Mareklamo at sobrang mapili raw ang manager sa project na ibinibigay sa kanyang talent.

Dahil sa sobrang mapili at mareklamo, ayaw ng mga EP o Executive Producer ng mga teleserye ng network na kunin ang aktres sa mga hawak nilang show. Kahit bagay sa aktres ang role, naghahanap ang mga EP ng ibang aktres na may mga hindi mareklamong manager.

Kaya lang, hindi ang manager ang naapektuhan sa pagiging mapili niya dahil hindi naman siya ang artista. Wish ng mga EP, ma-realize ng manager ang mali niyang ginagawa bago pa mawalan ng career ang aktres na magaling pa naman.

vuukle comment

AKTOR

AKTRES

ALESSANDRA

ALEX

AMERIKA

DAHIL

MIGUEL

SID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with