^

PSN Showbiz

Ethel Booba magsasalita na sa sex video nila ni Paolo

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Si Ethel Booba ang guest ngayong umaga, 10:30, sa Face the People ng TV5. Pumayag si Ethel na pagbigyan ang imbitasyon na umapir sa Face the People dahil nasasangkot ang pangalan niya sa alleged sex video scandal ni Paolo Be­diones. May mga kumakalat na tsismis na may sex video din sina Ethel at Paolo dahil nagkasama sila noon sa Extra Challenge. Ang tsismis, ang diumano’y sex video ng dalawa ang susunod na lilitaw.

Pumalag si Ethel sa pagkakadamay ng kanyang pangalan sa sex video scandal kaya sasagutin niya ang isyu sa talakserye nina Edu Manzano, Tintin Babao, at Gelli de Belen.

Hindi baguhan si Ethel sa mga sex video scandal dahil naunang kumalat noon ang alleged private video nila ng ex-boyfriend niya, ang basketball player na si Alex Crisano. Matagal bago inamin ni Ethel ang involvement niya sa private video na pinagpasa-pasahan sa mga cellphone.

Kumalat ang video dahil hindi ito nabura ni Alex mula sa kanyang telepono na nasira at ipinaayos niya sa isang cellphone shop sa Greenhills.

Sa rami ng mga celebrity na nasasangkot sa mga sex video scandal, matututo na siguro ang ibang mga artista na mahilig mag-experiment para hindi na sila maging another Ethel, Paolo, Hayden Kho, Jr., Chito Miranda, Neri Naig, Wally Bayola, at Yosh Rivera.

Fans parang nanalo sa lotto

Ang pagpapakasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang susunod na aabangan ng fans pagkatapos ng televised proposal ni Dingdong sa kanyang girlfriend noong Sabado.

Kung maligayang-maligaya si Marian sa birthday surprise sa kanya ni Dingdong, maligaya rin ang kanilang fans na parang mga nanalo sa lotto ang pakiramdam.

Ang proposal ni Dingdong ang best 30th birthday gift na natanggap ni Marian na bukas, August 12, ang eksaktong petsa ng kaarawan.

Happy ang fans dahil ibinahagi sa kanila ni Dingdong ang isang importante na pangyayari sa relasyon nila ni Marian.

Nakumbinsi ako na si Marian ang babae na forever na gusto ni Dingdong na makasama sa buhay dahil sa pag-uusap namin nang magkita kami noon. Si Marian ang bukambibig ni Dingdong at napansin ko sa mga kuwento nito na kasama ang kanyang girlfriend sa lahat ng mga plano niya. Nagkaroon ako ng malakas na duda na malapit nang mag-propose si Dingdong kay Marian at naghahanap lamang siya ng perfect timing na nangyari noong Sabado sa live show ng Marian.

Kasal na lang ang kulang sa anim na taon na relasyon nina Marian at Dingdong. Nasa legal age na sila para lumagay sa tahimik, 30-years old na si Marian at 34-years old na si Dingdong. Pareho na silang mga emotionally, mentally, at financially stable para bumuo ng isang happy family.

Christopher nagbago ng hairstyle

Saktung-sakto ang pagbabalik ngayon ni Christopher de Leon mula sa Amerika dahil magkakaroon ng presscon ang ABS-CBN para sa mga bagong karakter sa Book 2 ng Ikaw Lamang. Kasali si Boyet sa Book 2 ng sinusubaybayan na primetime drama series ng Channel 2. Makakasama niya sa Book 2 sina Amy Austria, Mylene Dizon, at KC Concepcion. Binago ni Boyet ang kanyang hairstyle para sa role niya sa ikalawang yugto ng Ikaw Lamang.

 

vuukle comment

ALEX CRISANO

AMY AUSTRIA

BOYET

DINGDONG

FACE THE PEOPLE

IKAW LAMANG

MARIAN

NIYA

VIDEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with