“Be Careful” thanksgiving sa Big Dome, mapapanood ngayon
MANILA, Philippines - Ipapalabas ng ABS-CBN ngayong Sabado (Agosto 2), sa ganap na 10:45 ng gabi, ang hitik sa saya, musika, at kilig na I HEART YOU 2: The Be Careful With My Heart Anniversary Thanksgiving.Ang libreng show na ginanap lamang noong Biyernes (Hulyo 25) sa Araneta Coliseum ay taos-pusong regalo ng Kapamilya network sa lahat ng mga manonood sa buong mundo na dalawang taon nang nakikipagkapit-bisig sa number one feel-good habit ng bayan na Be Careful With My Heart. Tunghayan sa programa ang special solo at duet performances nina Maya (Jodi Sta. Maria) at Ser Chief (Richard Yap), at sorpresang pagtatanghal ng iba pang miyembro ng cast gaya nina Kute (Aiza Seguerra), Lim kids (Jerome Ponce, Janella Salvador, at Mutya Orquia), at sina Doris, Sabel, Yaya Lea, at Manang Fe (Tart Carlos, Vivieka Ravanes, Joanne Marie Bugcat, at Gloria Sevilla). Maki-sing-along rin sa nakakikilig na theme songs ng show kasama ang Kapamilya singers na sina Erik Santos, Juris, Richard Poon, at Morisette Amon.
- Latest