Aljur kakanta-kanta muna
Sa pagkanta muna niya magpo-focus si Aljur Abrenica habang hindi pa sila nagkakaayos ng GMA. Mabuti naman, at least hindi siya mabubura sa isipan ng marami. Ang dami namang puwedeng paggamitan ng boses niya. Puwede sa promosyon ng album niya. Puwede siyang mag-gig na siguradong dadayuhin dahil sikat siya, gwapo, at marunong kumanta. Magtiwala muna siya na dadalhin siya sa malayo ng product endorsement na ginawa niya. Timing na timing ito sa siguradong pagkaburo ng career niya dahil sa pagdedemanda niya. At least for a year, masusuportahan ang exposure niya.
Geoff dapat manahimik
Sana hindi na lang mauwi sa away ang hiwalayan nina Geoff Eigenmann at Carla Abellana. Parang nakakabawas sa pagkalalaki ni Geoff ‘yung pagpatol niya at sagutin ang ex niya. Hindi magandang tingnan. Huwag na lang siyang sumagot para hindi mawala ang respeto sa kanya ng mga tagasubaybay niya. Hindi naman mababawasan ang pagkatao niya kung mananahimik siya. ‘Di ba, Direk Gina?
Elmo inayawan na ang pagpapa-tweetums
Binata na talaga ang anak ni Master Rapper Francis Magalona na si Elmo Magalona! May ginagawa itong film para sa Cinemalaya, ang #Y (Hashtag Y) at sumabak na siya sa eksenang love scenes kapartner ang winner ng Artista Academy ng TV 5 na si Sophie Albert. Going places din ang kapartner niya dahil lumalabas na ito outside of Kapatid Network. Leading lady ito ni Iñigo Pascual sa first movie venture nito.
Masaya si Elmo sa itinatakbo ng career niya. He believes na panahon na para siya mag-try ng isang bagong role.
Hindi naman siya puwedeng manatiling wholesome at patweetums forever. Amen, I’d say to that.
- Latest