^

PSN Showbiz

Huli sa aktong nagnakaw ng iPad at iPhone: Young actress na maganda at matalino kleptomaniac

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Napakagandang babae. Walang mali sa kanyang mukha, sexy pa siya at matalino, pero palagi siyang bida sa mga umpukang-showbiz dahil sa bilis ng kanyang mga kamay.

Madyikera ang young actress, miyembro siya ng Matingger-Z, malikot ang kanyang mga kamay. Maraming katrabaho na niya ang nakapagpapatunay na  siya at wala nang iba pang kumukuha-nang-uumit ng kanilang mga personal na kagamitan.

Tulad na lang ng isang female dancer na nakasama niya sa isang variety show, nalingat lang ang girl, nawala na agad ang mamahalin niyang cellphone. Nang i-dial nila ang phone, patay na, napakabilis gumalaw ng mga kamay ng nangnenok ng kanyang telepono.

Nakalusot siya du’n, pero hindi sa pangalawang biktima niya na dancer din, buking ang young actress na may mahihiwagang kamay. Biglang nawala ang iPAD nito, sila-sila lang ang nasa dressing room, kaya walang ibang puwedeng pagdudahan.

Kuwento ng aming source, “Hindi naman nagwala ang dancer, pero hindi siya pumayag na makaalis si ____(pangalan ng matinggerang young actress) nang hindi niya nakikita ang laman ng bag.

“Sabi niya, ‘Friend, baka naman nailagay mo sa bag mo ang iPAD ko. Malay mo, nailagay mo d’yan nang hindi mo sinasadya? Titingnan ko lang, ha?’ Walang nagawa ang girl. Nakita du’n ang nawawalang iPAD niya, pati ang expenssive cellphone ng co-dancer niya.

“Ang sabi niya uli sa babaeng may mga kamay na gumagapang, ‘Ay, kukunin ko na rin ito, kilala ko kung sino ang owner ng phone na ito, kasama niya kasi akong bumili nito. Thanks!’

“Napatulala na lang ang girl, hindi kasi siya naka-quota, naharang ang mga kontrabando niya, buking na buking ang pagiging matinggera niya!” kuwento ng aming source.

Nu’ng maging guest sa isang comedy show ang young actress na may malilikot ang kamay ay binulungan agad ng kanyang make-up artist ang isang sikat na aktres, “Ma’m, iligpit n’yo ang mga stuff n’yo, guest n’yo ngayon si ____(ang matinggerang batang aktres), malikot ang kamay nu’n, baka mabiktima kayo.”

Sayang. Ang ganda-ganda pa naman niya. Pero member siya ng Matingger-Z. Kilalang-kilala siya ng isang gay comedian-TV host. Totoo nga, me ganu’n?!

Ubos!

Mayor Bistek nakawala na sa sumpa ni Tetay!

Dumalo sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Noynoy Aquino si Mayor Herbert Bautista. Kuwento ng isang nakausap naming TV reporter ay maraming naghihintay sa pagkakataong magkasalubong-magkasabay sila ni Kris Aquino, pero naunsiyami sila.

Malayo ang puwesto nila sa isa’t isa, natapos ang SONA nang hindi man lang nagkakasilipan sina Kris at Mayor Herbert, nagkani-kanyang uwi na sila.

Nang may magtanong kay Mayor Bistek kung nagkita ba sila ni Kris ay paiwas ang kanyang sagot, “Nand’yan ba siya?” Hindi na nangulit pa ang TV reporter dahil hindi tamang lugar ang Kongreso para sa mga intriga.

Maayos na ang takbo ng buhay ngayon ni Mayor Herbert. Nakawala na siya sa sumpa. Kumanta na ng “Ako Ang Nagwagi” si Mayora Tates Gana at masaya na uli ang kanilang mga anak na sina Athena at Harvey.

Hindi na gugustuhin pa uli ni Mayor Herbert ang ma-bash siya mula umaga hanggang gabi, hindi na rin niya pipiliin ang klase ng buhay na lahat ng kanyang ginagawa ay nalalaman ng publiko dahil sa pagpo-post ni Kris, hindi sanay sa ganu’ng klase ng sitwasyon ang aktor-pulitiko.

May binalikang pag-ibig si Mayor Herbert, si Kris naman ay naghahanap pa rin ng bagong mamahalin at magmamahal sa kanya, hindi umepek ang mga drama nila ni Derek Ramsay dahil ang aktor mismo ang nagsasabing walang namamagitan sa kanila.

Kung sino ang susunod kay Mayor Herbert sa puso ni Kris Aquino ay walang nakaaalam. Baka masagot ‘yun ng gumamela kapag nagtanong tayo sa bulaklak.

vuukle comment

KANYANG

KRIS AQUINO

MAYOR

MAYOR HERBERT

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with