^

PSN Showbiz

Laging inggit, mas batang pulitiko pailalim kung lumaban sa kadugong pulitiko

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Mga bata pa lang sila ay may matinding pangingimbulo na, kundi man inggit sa kanyang kadugo ang isang kilalang pigura sa mundo ng pulitika. Kung ano ang meron ang kanyang kadugo ay kailangang meron din siya, pati ang mga bakas ng kanyang kadugo ay gusto niyang sundan, anuman ang mangyari.

Nangyayari naman ang kanyang gusto, nasusundan niya naman ang yapak ng kanyang kadugo, kaya lamang ay magiging anino na lang siya nito habampanahon dahil nanggagaya lang siya.

Hindi sila magkasundo, kapag “A” ang paninindigan ng kanyang kadugo ay lumulundag siya sa “B”, gusto lang niyang makakontra. Palagi niyang kinukuwestiyon ang kanyang kamag-anak, konting bagay lang ay agad na siyang nakakontra, mainit ang dugo niya sa lalaking mas naunang nagtagumpay sa kanya sa mundong ginagalawan nila ngayon.

Kuwento ng aming source, “Ganyan na siya kahit nu’n pa. Ayaw niyang nauungusan siya ni ____(pangalan ng kadugo ng kilalang pulitiko). Kahit sa laruan nu’ng maliliit pa lang sila, hindi siya papayag na wala siya ng meron ang kuya niya,” madiing kuwento ng aming impormante.

Nakararating sa mas nakatatandang pulitiko ang mga sinasabi nang patalikod at pailalim ng mas nakababatang pigura, walang naitatago sa kanyang kuya, pero kapag tinatanong siya ng mga TV reporters ay napakahusay niyang magdenay.

Parang okey naman sila sa kanyang pananalita, parang sanay na raw siyang palaging galit sa kanya ang kadugo niya, pero iba ang mga sinasabi niya sa kanyang mga ginagawa.

In short, plastic kung ilarawan ng kanilang mga kasirkulo ang mas nakababatang pulitiko, mas gusto na raw nila ang ugali ng mas nakatatanda na lantaran kung magpakita ng emosyon.

“Si ____(ang mas nakatatandang politician), alam mo kapag galit sa iyo, ipinakikita niya ‘yun. Pero itong si ____(ang nakababatang pulitiko), natuklaw ka na, hindi mo pa alam,” pagkukumpara ng source sa magkarelasyong pulitiko.

Haaay, naku! Sa mundo talaga ng pulitika, walang kapa-kapatid, walang kama-kamag-anak!

 

Paolo pinatunayang hindi bading

Kalat na kalat na. Pinagpipistahan na. Mula sa Forbes Park hanggang sa Payatas ay tinututukan na ngayon ang sex video ng newscaster na si Paolo Bediones kasama ang isang starlet.

Nag-isyu na ng opisyal na pahayag ang TV5 kung saan nagseserbisyo bilang tagapagbalita si Paolo, napakapersonal ng isyu, ayon sa istasyon ay hindi nila maaaring panghimasukan ang personal na anggulong ‘yun ng buhay ni Paolo Bediones.

Para sa hindi pa nakakaalam, ang naturang video ay hindi ipinanganak lang nu’ng isang taon o nu’ng isang buwan o kahapon lamang, nasa GMA 7 pa ang lalaking personalidad ay hubad nang sikreto ‘yun.

Sa paglipat niya sa TV5 ay naging matapat siya sa pamunuan ng News, sinabi niya kay Ms. Luchi Cruz-Valdes ang kuwento tungkol sa video, wala siyang itinago sa kanyang mga tagapamuno.

Ang kabuuan ng video ay napanood na namin. Isang pagniniig ng dalawang taong nagmamahalan ang makikita du’n, mas pinag-aalab pa ang kanilang mga aksiyon ng masuyong paghahalikan, magkarelasyon ang nasa sex video at dalawang taong nasa wastong edad na at walang kahit sinong pinagtataksilan dahil pareho silang malayang magmahal.

Dalawang bagay ang pinabulaanan ng sex video na ito. Una, matagal nang pinag-uusapan nang pabulong na bading ang newscaster, lalaki at hindi raw babae ang mas pinipili niyang makapareha sa pagbiyahe sa langit ng kaligayahan.

Ikalawa, pumalaot din ang kuwento na nang magsabog ng “sandata” ang langit ay tulog na tulog daw si Paolo Bediones kaya wala siyang nasambot, mali ang mga lumutang na kuwento.

Gising si Paolo, meron siyang nasalo mula sa langit, kaya lamang ay hindi siguro siya masyadong naging mapili kaya kung ano ang nasalo niya ay hindi na niya pinapalitan pa.

Ang pagpapatunay nu’n ay ang babaeng mistulang sanggol na gutom na gutom kaya panay-panay ang paghawak-pagdodo sa kanyang mamador.

Pero sa kabuuan ng sex video ay alam mong kinukunan nila ang mainit nilang pagniniig. Hinahawi-hawi pa ni Paolo Bediones ang buhok ng babae kapag tumatakip ‘yun sa mukha nito.

Du’n lang, para sa aming opinyon, lumabis at kinulang si Paolo. Oo nga’t walang batas ang mga katawang nag-iinit, dapat sana’y hindi nagpatalo ang kanyang utak sa emosyon niya, nag-ingat sana siya at hindi na idinokumento pa ang kanyang pakikipagtalik para walang sex video niya ngayon na pinagpipistahan ang buong bayan ni Juan.

vuukle comment

KANYANG

LANG

MAS

NIYA

PAOLO

PAOLO BEDIONES

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with