^

PSN Showbiz

Marian hindi nakayang panoorin ang ginawa kay Dingdong ni Maricel

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Tinext pala ni Dingdong Dantes kay Marian Ri­vera bago at pagkatapos kunan ang eksenang sinam­pal ni Maricel Soriano sa Ang Dalawang Mrs. Real. Ang unang text ay “Now na gagawin ang scene” at sumunod ay “Done.” Kinumusta siya ni Marian at okay naman daw siya.

Naawa si Marian kay Dingdong at hindi kayang pa­noorin ng buo ang eksena, kahit alam na trabaho lang ang lahat. Napanood nito ang åteaser, pero hindi niya natapos dahil naawa siya sa BF at siya ang nasaktan. Natuwa si Marian dahil after ng eksena, nag-sorry si Maricel at tumulong maglagay ng ice pack sa pisngi ng nobyo.

Samantala, matutupad na ang wish ng Dong Yan fans na makitang mag-guest ang aktor sa Ma­rian, ang dance show ni Marian at mangyayari ito sa birth­day presentation ng aktres sa August 8. May nai­sip na si Marian kung ano ang sasayawin nila ni Dingdong at sorry sa mga nag-request ng Dirty Dancing number dahil hindi ‘yun ang gusto niyang sayawin nila.

Anyway, last Sunday sa Sunday All Stars, ini-launch ang Kopiko Cafe’ Blanca, ang latest endorsement ni Marian kasama sina Christian Bautista at Aljur Abrenica. Sabi nito, bago tanggapin, ipinatikim muna ng manager niyang si Rams David ang variant na i-endorse at nagustuhan niya dahil mahilig siya sa creamy coffee.

Rafa life-changing ang naranasan sa Tondo

Nakita namin kamakailan si director Bibeth Orteza at ibinalita namin sa kanyang na-interview na­min ang anak niyang si Rafa Siguion-Reyna dahil kasama sa ipina-interview ng GMA Artist Center sa talents nilang may movie sa 2014 Cinemalaya.

Ipinarating namin kay Direk Bibeth ang sinabi ni Rafa na mas mabilis siyang magdirek kesa sa amang si Carlitos Siguion-Reyna na director ni Rafa sa Hari ng Tondo. Natawa si Bibeth, pero bumawi naman si Rafa sa sinabing kaya mas matagal magdirek ang ama dahil mas maraming nagagawa sa script at minsan, sa isang eksena, maraming takes ang kinukunan.

Para sa Hari ng Tondo, bumisita sila sa Tondo at nabuksan ang isip ni Rafa na bawal maging tamad at nagpasalamat sa maganda niyang buhay.

Sa ngayon, sa teleseryeng Niño napapanood si Rafa, kontrabida na babait ang karakter niyang si Ricky.

K Brosas big time na!

Bongga si K Brosas, may sarili siyang dressing room bilang co-host ni Richard Gomez sa bagong game show ng TV5 na Quiet Please! Bawal ang Maingay. Solo siya sa dressing room at pangalan lang talaga niya ang nakadikit sa labas ng dressing room na nadaanan namin nang mag-press visit kami sa taping.

Hindi ipina-interview ng TV5 si K, hindi namin alam kung bakit hindi na siya pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN. Bago ang Quiet Please!, nag­gi-guest din si K sa shows ng GMA 7.

Sa August 10, 8:00 p.m. ang premiere ng Quiet Please! na aabot sa P400,000 ang cash prize. Si Mike Tuviera ang director nito.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ARTIST CENTER

BIBETH ORTEZA

K BROSAS

QUIET PLEASE

RAFA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with