^

PSN Showbiz

Kahit akusahang imaginary lang Enchong wala talagang planong ilantad ang GF

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan ay inamin ni Enchong Dee na mayroon na siyang non-showbiz girlfriend at ilang buwan na silang magkarelasyon. Pagkatapos nito ay maraming online ba­shers ang nagsasabing ‘imaginary’ lamang ang babaeng tinutukoy ng aktor.

Simula noong nalaman ng tao, may mga nagti-tweet sa kanya, may mga gumagawa ng account to bash her, which I feel bad. Hindi siya sanay sa ganito eh. Wala naman akong makukuha kung maniniwala sila o hindi. Okay lang naman sa akin, sanay naman na ako. As much as possible, I respect their opinion also. Okay lang sa akin, pero huwag lang talaga sa kanya,” seryosong pahayag ni Enchong. Ikinatuwa raw ng kasintahan ni Enchong ang ginawang pag-amin ng aktor tungkol sa kanilang relasyon.

She felt good. Hindi naman sa sinabi niya, I would think na ang pangit din naman kung idi-deny siya. Basta ‘yung acknowledgement lang na nandiyan siya,” pagbabahagi ng binata.

Hanggang maaari ay ayaw raw munang ipakilala ni Enchong sa publiko ang kasintahan lalo pa’t hindi naman daw ito artistang katulad niya.

As much as possible, I protect her from all this. I don’t want to say it talaga. Ibalato n’yo na lang sa akin. This is by far, my happiest relationship and my most private relationship. I would really appreciate it if we could just stay that way,” paliwanag ng aktor.

Jason hindi pinagseselosan si Daniel kahit malapit sa GF

Ikinagulat daw ni Jason Abalos ang naging rebelasyon ng kasintahang si Vi­c­kie Rushton na isa sa mga housemates ng Pinoy Big Brother ngayon.

Sa isang episode ng nasabing reality show ay sinabi ng dalaga na mayroong mga pagkukulang si Jason sa kanya. “Hindi ako aware na may pagkukulang ako. Nagulat ako na may gano’n siyang revelations. Dito ko lang na-realize na may gano’n pala. Sa issues namin, sobra akong nasasaktan,” pahayag ni Jason. Samantala, hindi rin daw pinagseselosan ng aktor si Daniel Matsunaga sa isa ring housemate at sinasabing malapit kay Vickie.

Si Daniel, sweet naman sa lahat. Ilang pa nga siya kay Vickie eh. Kasi ‘yung ibang mga babae, binubuhat-buhat niya pa, niyayakap-yakap pa niya. ‘Pag si Vickie, ‘good night’, gano’n lang. So alam mo ‘yung respect ni Daniel sa mga tao na involved na, nandoon naman ‘yon,” paliwanag ni Jason. Kahit nalili-link si Vickie kay Daniel ay hindi naman daw nagpapaapekto si Jason dito.

Maganda si Vickie, gwapo si Daniel, sila lang ‘yung med­yo may edad doon na pwede loko-lokohin ng mga housemates eh. Sa tingin ko, biktima lang kami pare-parehas ng isang show. Kasi wala naman talaga eh, ‘yung kay Daniel, Vickie. Feeling ko, wala naman talaga eh. Siya na rin mismo nagsasabi sa loob na wala talaga,” giit ni Jason. - Reports from JAMES C. CANTOS  
                                              

vuukle comment

DANIEL

DANIEL MATSUNAGA

ENCHONG

ENCHONG DEE

LANG

NAMAN

VICKIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with