^

PSN Showbiz

Matapos ibuko ni misis: John idinipensa ang kalandian

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Isa raw sa mga dahilan kung bakit nagkaroon ulit ng komunikasyon sa pagitan ng dating mag-asawa na sina John Estrada at Janice de Belen ay dahil sa interes ng anak nilang si Inah na pasukin na rin show business. Lagi pa rin daw nag-uusap sina John at Janice para sa kapakanan ng kanilang mga anak. “Siyempre, well-being ng anak namin ang concern namin. Kung sino’ng magiging driver niya, magiging assistant niya sa mga taping at sino ang magma-manage sa kanya,” bungad ni John. Napagkasunduan daw ng dating mag-asawa na ipasok ang anak sa malaki at masayang pamilya ng Star Magic. Binalaan na raw ni John si Inah tungkol sa mga posibleng manliligaw sa mundo ng showbiz. “Ang magnanakaw ay takot sa kapwa magnanakaw. Alam niya na ‘pag may ginawa siyang hindi kaaya-aya ay lagot siya sa akin at ganoon din siguro kay Janice. Lagot siya sa amin,” nakangiting pahayag ni John.

Samantala, nilinaw ng aktor ang tungkol sa naging komento ng asawang si Priscilla Meirelles dahil tinukoy raw nitong ‘Malandi in a friendly way’ si John. “I guess nag-mature na ako. There’s a difference between being friendly and being malandi. I can be too friendly but if my wife says it’s wrong, then I’ll stop being too friendly,” paliwanag ni John.

Nikki ayaw nang makatrabaho si Billy

Kamakailan ay nagkita na raw nang personal sina Nikki Gil, Coleen Garcia, at Billy Crawford. Si Nikki ang dating kasintahan ni Billy habang si Coleen naman ang sinasabing nagpapatibok sa puso ng binata ngayon. Nagkausap kaya ang dalawang aktres nang magkita sila? “I think in Subic for the trade event, no. Nagkita kami do’n, actually all of us. Siyempre, we were polite naman. We were all so polite to each other. There was no bad vibes naman. Past is past,” makahulugang pahayag ni Nikki. Ayon kay Coleen ay hindi raw talaga nagkaroon na pagkakataon na mag-usap sila ni Nikki. “No, but before rin naman, hindi naman kami masyadong nag-uusap. We were never close,” giit ni Coleen. “Billy didn’t talk to any of my exes. You don’t really ask for permission from the other person. It’s finished na,” dagdag ni Coleen.

Matagal na rin daw naka-move on si Nikki kaya wala na siyang problema kung makita mang muli sina Billy at Coleen na magkasama, pero ayaw daw makasama muli ni Nikki ang aktor sa isang bagong proyekto. “I don’t think it’s necessary. When you say showbiz, there is that negative connotation to the word that I cannot accept because I am very transparent and so if I am not comfortable, the performance might suffer,” paliwanag ni Nikki. Ngayon ay isang non-showbiz guy ang nagpapasaya sa dalaga at ilang buwan na rin silang exclusively dating. Reports from JAMES C. CANTOS                                               

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

COLEEN

COLEEN GARCIA

INAH

JANICE

JOHN

NIKKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with