^

PSN Showbiz

Sarah G marami pang gustong marating sa buhay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kahit sa unang pagkakataon ay nagkaroon ng boyfriend ang pop princess na si Sarah Geronimo, inamin niya na marami pa siyang gustong gawin at abutin sa buhay.

Sinabi ni Sarah na binabalanse niya ang kanyang professional life at personal life, kabilang dito ang nobyong si Matteo Guidicelli.

“Balanse lang po. Kumbaga, alam naman natin ang priorities ng isa't isa. Kami'y nasa industriyang ito so kailangan balansehin lang namin ang time ng bawat isa.”

Nitong nakaraang buwan lamang ay inamin na ni Sarah ang namamagitan sa kanila ni Matteo kaya naman nang tanungin kung ito na ang pinakamasayang panahon sa kanyang buhay ay: “Masaya naman po ako. Pero yung happiest, syempre hindi naman tayo nagrereklamo pero marami pa tayong gustong gawin para sa pamilya natin, para sa sarili natin.”

Alam ni Sarah na kailangan pa niyang magpursigi para sa kanyang sarili at sa pamilya kaya naman hindi siya nagpapaka-kampante sa kanyang buhay.

“Marami pa tayong gustong gawin for my personal growth,” paliwanag ni Sarah.

“Oo, andito tayo sa business na ito pero marami pa tayong gustong ma-accomplish.

Magdiriwang ng kanyang ika-26 na kaarawan si Sarah sa Hulyo 25, Biyernes.

vuukle comment

ALAM

BALANSE

BIYERNES

HULYO

KAHIT

KUMBAGA

MAGDIRIWANG

MATTEO GUIDICELLI

SARAH GERONIMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with