^

PSN Showbiz

Dingdong pikon na sa bintang na gimik nila ni Marian

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Napa-“talaga?” si Dingdong Dantes nang ipara­ting namin sa kanya na hanggang ngayon ay may mga nagdududa pa rin sa relasyon nila ni Marian Rivera. Gimik lang daw ang relasyon nila at kaya nag-PDA (Public Display of Affection) sila sa New York para papaniwalain ang tao sa kanilang gimik.

Nakakaloka dahil kasal na lang nila ni Marian ang hinihintay ng kanilang fans at ilang taon na ang kanilang relasyon, meron pa rin palang nagdududa. Napangiti na lang si Dingdong sabay sabing “Oo na gumigimik lang kami.”

Anyway, natutuwa si Dingdong na pinag-uusa­pan ang Ang Dalawang Mrs. Real, kaya lang, dumami ang galit sa karakter niyang si Anthony. Nag­biro itong hindi na siya makalabas ng bahay sa rami ng galit sa kanya at nakakatanggap na siya ng death threat.

Samantala, tiyak na sold out ang isang glossy magazine na cover sina Dingdong at Marian. Last Sunday sila nag-pictorial at August yata magiging available na tama lang dahil birthday month nila ‘yun.

Janella natakot sa panlalait, hindi na crush si Daniel

Aminado si Janella Salvador na katas ng Be Careful With My Heart ang blessings na sunud-sunod na dumarating sa kanya. Nauna siyang pu­mir­ma ng multi picture contract sa Star Cinema at noong Sabado, pumirma naman ng four-picture contract sa Regal Entertainment kasama ang manager niyang si Manny Valera.

Hindi pa alam ni Janella ang movie pro­ject sa Star Cinema, pero sa Regal, ga­ga­win nito ang Retreat House kasama sina Jerome Ponce, Marlo Mortel, at marami pang iba. Si Jun Lana ang writer at director ng pelikula na ang intention ay mag-launch ng mga batang artista gaya ni Janella.

Patuloy ding mapapanood sa Be Careful..., si Janella dahil hanggang December pa ang mor­ning show at naggi-guest din siya sa ASAP. Isa rin siya sa interpreter sa Himig Handog at obvious na namana nito ang husay kumanta ng parents niyang sina Janine Desiderio at Juan Miguel Salvador na six years na niyang hindi nakikita. Sa text na lang sila nagko-communicate at nagkukumustahan lang.

Ibinalita na crush ni Janella si Daniel Padilla pero dahil inaway siya ng KathNiel fans at na-bash, kaya para iwas sa pamba-bash, hindi na lang niya crush ang aktor. Hindi raw alam ng mga namba-bash sa kanya na KathNiel fan siya.

Asawa ni Karylle mahilig sa katatakutan

Ang bilis palang magsalita ni Yael Yuzon, ang mister ni Karylle na nakausap namin sa storycon ng Flight 666 episode ng Shake, Rattle & Roll XV. First movie niya ito na aarte siya dahil na-involved na siya sa paggawa ng pelikula, pero hindi siya umarte at madalas, behind the scene ang partisipasyon niya.

Fan ng SR&R si Yael and in fact, may DVD collection siya ng SR&R 1 to 7. Ang iba niyang kopya ay hiniram at hindi na isinoli. Seven years old siya nang unang mapanood ang movie at ‘di makalimutan ang episode nina Richard Gomez, Ana Roces at Manilyn Reynes.

Nagulat lang si Yael dahil ang name niya sa movie ay Eli na panga­lan ng favorite fictional character niya noong bata pa siya. Rock star rebel ang role niya sa Flight 666 at dahil rock star siya in real life, hindi na siya maghahanap ng peg.

Mga batang Yagit, kinokondisyon na

Bukas na sisimulan ni direk Gina Alajar ang taping ng Yagit, napili na ang apat na mga batang magbibida sa remake ng teleserye na sumikat noong 80’s.

Bago ang taping, nag-team building muna ang buong staff sa Cagbalete Island sa Quezon sa pangunguna ni director Gina. Sa September pa ang pilot ng Afternoon Prime, pero sisimulan na ang taping para makapangbangko ng episode.

Pinangungunahan nina Yasmien Kurdi, James Blan­co, Wowie de Guzman at LJ Reyes ang Yagit at kasama sina Rich Asuncion, Renz Fernandez, Mari­cris Garcia, Kevin Santos, at marami pang iba.

 

vuukle comment

AFTERNOON PRIME

JANELLA

LANG

SHY

SIYA

STAR CINEMA

YAGIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with