^

PSN Showbiz

BB Gandanghari nagsisi sa pagladlad

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  – Inamin ni BB Gandanghari na may pagsisisi matapos niyang aminin ang kanyang kasarian noong 2006.

Lumahok sa “Pinoy Big Brother” celebrity edition si BB at doon niya inamin na siya ay transgender.

“Pagdating ko dito, I was aware na lahat ng umiikot na tsismis dito tungkol do'n,” wika niya kay  Anthony Taberna sa “Tapatan Ni Tunying.”

“So sabi ko para matapos na ang lahat kailangan ko na mag-out sa Pilipinas."

Aniya, matapos niyang umamin ay nais niyang umalis sa Pilipinas at magtago muli tulad nang ginawa niya matapos silang maghiwalay ni Carmina Villaroel noong 2002.

“After that night, ang laki nang pagsisisi, totoo 'yon,” he said. “Di ko alam kung tama 'yon, kung tama o mali 'yong ginawa ko. Parang gusto ko nang bumalik sa Amerika at magtago ulit. When I came out wala naman akong boyfriend, e, wala akong relasyon, wala.”

Sinabi pa ni BB na hindi niya pinipilit ang ibang tao na intindihin siya.

“Hindi naman ako nag-out para tanggapin ng tao. Nag-out ako para magpakilala sa tao.”

Samantala, wala pa naman siyang balak magpa-sex change dahil aniya ay masaya naman siya ngayon.

“'Yong physicality is just secondary. What's really important is what I feel inside and how I express myself. Now if one day dadating ako sa punto na I will decide, I will go all the way, who knows? But as of now it's not my priority.”

Mula nang kanyang pag-amin ay hindi pa siya nagkaka-boyrfriend kung saan ang pinakahuli pa ay noong 2002 noong nasa Amerika siya.

Sa huli ay sinabi niyang nais pa rin niyang magkaroon ng kasama sa pagtanda: “to love and be loved in return.”

vuukle comment

AMERIKA

ANIYA

ANTHONY TABERNA

CARMINA VILLAROEL

GANDANGHARI

INAMIN

PILIPINAS

PINOY BIG BROTHER

TAPATAN NI TUNYING

WHEN I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with