^

PSN Showbiz

Noranians galit na galit kay P-Noy

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Nagagalit kay President Noynoy Aquino ang Noranians dahil hindi niya inaprubahan ang pagiging National Artist ni Nora Aunor.

SCENE: Ang mga bagong hirang na National Artists ng Malacañang Palace:

Alice Reyes (Dance), Francisco Coching (Visual Arts), Cirilo Bautista  (Literature), Francisco Feliciano ( Music), Ramon Santos (Music) at Jose Maria Zaragoza (Architecture, Design and Allied Arts).

SEEN: Bilang na ang araw ng mga nagpapanggap na entertainment bloggers dahil nadiskubre ng ilang Television Network PR na dumadalo sila sa mga presscon para magpakuha ng litrato na kasama ang mga artista. Fan ang karamihan sa mga nagpapanggap na entertainment blogger at walang nakakabasa sa kanilang sinasabing blogs.

Hindi na kailangan ng bloggers sa showbiz dahil mas malakas ang online version ng mga tabloids kesa sa mga sinasabi nilang bloggers.

Mga OFW ang nagbabasa sa mga online version ng tabloids.

SCENE : Nakatawa si Senator Bong Revilla, Jr. sa kanyang mug shot dahil binibiro siya ni Phillip Salvador habang kinukunan ng litrato.

SEEN: Unang pagtatambal sa pelikula nina Kris Aquino at Coco Martin ang Feng Shui 2 na mula sa direksyon ni Chito Roño.

SCENE: Bida sa Magnum Muslim. 357 ang ousted Laguna Governor na si ER Ejercito.

SEEN: Sa ikalawang taon mula noong 2013, walang pelikula na kasali sa MMFF si AiAi Delas Alas.

vuukle comment

ALICE REYES

CHITO RO

CIRILO BAUTISTA

COCO MARTIN

DELAS ALAS

DESIGN AND ALLIED ARTS

FENG SHUI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with