^

PSN Showbiz

Sarah in love na in love, Matteo perfect catch daw!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Finally, inamin na ni Sarah Geronimo na may relasyon nga sila ni Matteo Guidicelli. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik nang makorner ng mga TV reporter sa victory party ng pelikula nila ni Coco Martin na Maybe This Time. “Oo naman, ganoon po ang tawagan namin... Sige, sabihin ko na po, boyfriend ko na po si Matteo. Kasi marami ding nagsasabi na paligoy-ligoy... So, gano’n po,” sabi niya sa interview ni MJ Felipe last Thursday night. (Maaalalang na-wrong sent si Matteo kay Direk Wenn Deramas na Good morning mahal na ipinost ni Direk sa Facebook account niya kaya pinag-usapan.)

Eh naka-red dress pa si Sarah na parang handang-handa na raw umamin.

Marami ang nagsaya sa pag-amin ni Sa­rah dahil ito ang first time na naging open siya sa kanyang love life.

‘Pag kasi si Matteo ang tinatanong tungkol sa kanila, ang laging sagot niya ay nirerespeto niya ang mga magulang ng pop superstar.

Nakapag-isip na siguro si Sarah na wala namang masama kung aamin siya para matigil na rin ang usap-usapan. Tiyak namang hindi makaaapekto ito sa kanilang da­lawa. In fact ang dami ngang kinikilig. Maging ang isang malapit kay Sarah ay nagsabi na perfect catch na si Matteo – mayaman, may breeding, stable ang career, may pinag-aralan etc., etc.

“Kahit hindi magtrabaho si Sarah, kayang-kaya siyang buhayin ni Matteo,” say ng kausap ko sa phone tungkol sa aktor.

Maaalalang matagal na talagang crush ni Matteo si Sarah. May nagkukuwento noon na panay ang sama noon ni Matteo kay Billy Crawford, hindi pa siya nagso-showbiz, ‘pag naggi-guest si Billy sa mga provincial show ni Sarah, at nagdadala ng flowers for Sarah. Pero hindi nga raw agad nag-materialize noon dahil concentrated si Sarah sa career niya. Nagkanya-kanya sila at ang ending sila rin pala.

Kinikilig ngayon ang buong bayan. Kahapon trending sa Twitter ang nasabing pag-amin ni Sarah sa relasyon nila ni Matteo.

Marian hahataw na ngayon

Ngayong gabi na mag-uumpisa ang Marian, na tinawag ng GMA na biggest primetime party on television.

From jaw-dropping moves, dazzling performan­ces to breathtaking excitement, ipakikita ni Marian Rivera ang kanyang kakaibang galing sa pagsa­yaw.

Mapapanood sa premiere episode ang pagsasama ng dalawa sa mahuhusay sumayaw na actress   - Diamond Star Maricel So­riano at ang Star for All Seasons Vilma Santos-Recto.

Ngayon lang uli sila mapapanood na hahataw sa sa­yawan.

Anyway, may bagong weekend evening program line up ang GMA 7.

Mag-uumpisa ang bagong line up ngayon after 24 Oras Weekend na susundan ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na K­uwento ng 6:00 PM.

Pagkatapos nito ay saka papasok ang Marian ng 7:00 p.m.

Susundan ng Magpakailanman kung saan mapi-feature ang buhay ni Chef Boy Logro at Celebrity Bluff at 9:30 PM.

At 10:30 PM papasok  I-Witness, to be followed by Walang Tulugan with the Master Showman ni Kuya German Moreno at 11:15 PM.

On Sunday naman after 24 Oras Weekend eere ang Vampire Ang Daddy Ko on its new timeslot at 6:10 PM at saka ito susundan ng pinakabagong Kapuso sitcom Ismol Family at 6:55 PM topbilled by Kapuso host/actor/celebrity dad Ryan Agoncillo and top Kapuso female star Carla Abellana.

 Catch the Hollywood film Spy Kids 4 in GMA Blockbusters at 7:40 PM. The award-winning ma­gazine program Kapuso Mo, Jessica Soho and the investigative news program Imbestigador hosted by Mike Enriquez susunod ng 8:50 PM and 10:35 PM, respectively.

Matatapos ang Linggo ng gabi sa Out and Proud, in Sunday Night Box Office at 11:20 PM, which features the inspiring stories of the Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender (LGBT) community.                                                                                                

vuukle comment

ALL SEASONS

ANG TUNAY

KAPUSO

MATTEO

ORAS WEEKEND

SARAH

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with