^

PSN Showbiz

Raymart nabubuwisit sa ginagawang pagsawsaw ni Rosanna

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Magkakaroon ng konting pagba­ba­go sa weekend primetime ng GMA 7 simula bukas.

Sa pagsisimula ng bagong dance show na Marian ni Marian Rivera, pagkatapos ng 24 Oras Weekend, susundan na ito nang Pepito Manaloto, at pagkatapos nito ang Marian, susunod ang Magpa­kailanman at Celebrity Bluff.

Sa Linggo naman  na kung saan magsisimula na rin ang Ismol Family, ma­u­una muna ang 24 Oras Weekend na susundan ng Vampire ang Daddy Ko, at dito na papasok ang Ismol Family nina Ryan Agon­cillo at Carla Abellana.

PAK: Very positive ang sagot ni Annabelle Rama sa isyu nito sa Mommy ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati.

Sabi niya sa kanyang Twitter account na ipinost niya kamakalawa lang: “Ayaw kong pumatol sa mga taong kinakawawa ang sarili nila. Basta ako, I won’t allow myself to be kawawa. Move on, forget the past.

“Kung ako pa sa ito, laruin mo na lang si Zion para mawala ang negative vibes sa katawan mo.”

Sobrang in love na in love si Bisaya sa bagong apo niya kaya doon na lang siya nakatutok sa pag-aalaga.

Mas gusto nga raw niyang nasa out of town sina Richard at Sarah para sa kanya muna si Baby Zion.

Pati ang ibang apo niyang sina Lorin at Venice ay abala rin sa pag-aalaga kay Baby Zion at mahal na mahal daw nila ito. Walang pagseselos kahit kay Baby Zion ang atensyon ng buong pamilya.

BOOM: Inaasahang muling mag­haharap ang mag-asawang Raymart San­tiago at Claudine Bar­ret­to sa Marikina Regional Trial Court nga­yong araw.

Kailangan nilang harapin ang kasong Habeas Corpus na kung saan didinggin ang custody sa da­lawa nilang anak.

Kung hindi paiiralin ang init ng ulo at galit sa isa’t isa, inaasahang magkakaayos sila sa custody nina Sabina at Santino.

Pero ewan ko lang dahil ang dinig ko naiirita na si Raymart sa mga patutsada ni Claudine sa Instagram account nito at pati sa Facebook ay sumali pa sa usapan si Rosanna Roces na kung saan nilalait pa si Raymart.

 

 

 

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

BABY ZION

CARLA ABELLANA

CELEBRITY BLUFF

CLAUDINE BAR

DADDY KO

ISMOL FAMILY

ORAS WEEKEND

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with