^

PSN Showbiz

Heart mas lumala ang problema sa mga magulang

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Napangiti at tumango lang si JC de Vera nang tinanong namin na mas lalong gumanda ang career niya nang mapunta siya sa Kapamilya network.

Dala-dalawa ba naman ang regular drama series niya, napapanood siya sa Moon of Desire sa hapon, at sa The Legal Wife naman sa gabi.

Ayaw na niyang ikumpara sa mga nakaraang network na pinagtrabahuan niya, pero nagpapasalamat siya dahil sa sunud-sunod na magagandang pangyayari sa kanyang career.

Ang latest na blessing na dumating sa kanya ay ang pagkuha sa kanya bilang endorser ng bagong Tomato Time. Na sabi nga niya bagay na bagay sa kanya dahil hilig talaga niyang ang magsuot ng relos.

Kaya naisasantabi na raw muna niya ang love life sa ngayon dahil inubos na ng trabaho ang oras niya.

PAK: Nakarating nga kay Heart Evangelista ang balitang pumunta ang mommy niya sa painting exhibit nito sa Ayala Museum, at sumilip-silip lang.

Sarado na raw kasi ang Ayala Museum nung pumunta ito kaya sumilip lang siya.

Iniiwasan na ni Heart na magkumento pa kapag tungkol sa kanyang pamilya ang isyu dahil mas complicated daw ngayon kesa nung mga nakaraan. Kaya mas gusto niyang manahimik na lang muna.

Sa Sabado ng hapon na pala uli ang Startalk, pero wala si Heart sa darating na Sabado dahil nasa Independence Day event ito sa New York.

BOOM: Hindi napigilan ni Tito Joey de Leon na maiyak nang magkita sila ni Coney Reyes sa Startalk nung nakarang Linggo.

Si Tito Joey ang ni-request ni Coney na mag-interview sa kanya dahil kilala na raw nila ang isa’t isa.           

Sabi ni Tito Joey, paiiyakin niya si Coney, pero ang ending siya ang naiyak.

Binanggit ni Tito Joey ang linya sa jingle ng Eat Bulaga na “Sina Tito, Vic at Joey, kasama na rin si Coney.” Doon na siya naiyak dahil na-miss niya ang isa sa mga original na cast ng long-time running noontime show na Eat Bulaga.

Aminado ang Eat Bulaga at Startalk host na talagang emotional siya kapag tungkol sa Eat Bulaga na naging bahagi na ng buhay nila. Kaya nung makita niya si Coney, muling nanariwa sa kanya ang pagsisimula nila noon sa Eat Bulaga.

 

vuukle comment

AYALA MUSEUM

CONEY REYES

DAHIL

EAT BULAGA

HEART EVANGELISTA

KAYA

NIYA

STARTALK

TITO JOEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with