^

PSN Showbiz

Final four ng Biggest Loser,papangalanan na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makikilala na ngayon (April 24) ang Final Four na magsasagupaan sa grand finale ng The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles mula sa limang nalalabing contestants ng bigating reality show.

Sinu-sino kaya kina Kayen, Carl, Osie, Francis, at Bryan ang sasabak sa huling weigh-in na pinamagatang Ang Bigating Pagtatapos para maglaban-laban sa titulong Pinoy Biggest Loser ngayong Sabado (April 26)?

Bago ilantad ang Final Four, pi­nagdaanan muna ng limang contes­tants ang kanilang huling major challenge kung saan inakyat nila ang Mt. Pinatubo. Sa kanilang pag-hike, dala-dala nila ang isang bag na nag­lalaman ng kabuuang timbang na nabawas nila sa loob ng Biggest Loser Doubles camp. Sa bawat isa sa labing isang istasyon na kanilang dinaanan bago makaabot sa crater, inihulog nila ang sandbags na katumbas ng timbang na nabawas nila sa bawat weigh-in.

“Ang ganda ng symbolism nito. Bundok, pataas ka, pero hinihila ka pababa ng timbang mo,” ani Carl.

Ayon naman sa asawa niyang si Kayen, “Dinadasal ko na lang na makapasok kami ng Final Four dahil ‘yun ang maglalagay ng exclamation point sa journey namin ni Carl.”

Inalalayan naman ni Francis ang partner niyang si Mommy Osie sa kanilang pag-akyat. Sambit niya, “Kung iisipin mo, during sa stay namin sa camp, may times na naghihilaan kami pataas. This time, ako naman ‘yun, tutulungan ko si Mommy Osie para umangat kami nang sabay.”

“Ito ang sumpa ng bigat ko at gagawin ko ang lahat para huwag nang balikan ‘yun. Alam ko paglabas ko sa camp, bagong buhay ang haharapin ko,” sabi ni Mommy Osie matapos nilang marating ni Francis ang crater.

Pinakamabilis namang natapos ni Bryan ang nasabing challenge nang mag-isa, matapos matanggal ang kapatid niyang si Ikya sa kumpetisyon. Pahayag niya, “Iniwan ko na ‘yung da­ting Bryan. ‘Di man ako makasama sa Final 4, ito lang na naabot ko ang final stretch ng challenge, may napatunayan ako sa sarili ko.”

Alamin kung sinu-sinong bigatin ang makapapasok sa Final Four mamaya sa The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles pagkatapos ng Aquino & Abunda Tonight sa ABS-CBN Primetime Bida.  (KC)

vuukle comment

ABUNDA TONIGHT

ANG BIGATING PAGTATAPOS

BIGGEST LOSER DOUBLES

BIGGEST LOSER PINOY EDITION DOUBLES

FINAL FOUR

KAYEN

MOMMY OSIE

MT. PINATUBO

PINOY BIGGEST LOSER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with