^

PSN Showbiz

Maraming artista ka-join sa musical show ng Aliwan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bongga ang nakalaang musical entertainment para sa taunang selebrasyon  ng Aliwan Fiesta na gaganapin sa ika-24 hanggang  ika-26 ng Abril.

Si John Prats ang magiging co-host ng hiphop vanguard na si Prince Paltuob sa pagtutuos ng Dance Crew League sa ika-24 ng Abril.  Tutugtog naman ang mga bandang Callalily at Grace Note 1:43 sa pagitan ng BBoy showdown.

Co-host naman ng Reyna ng Ali­wan pageant si Ange­li Dione Gomez, ang bagong hirang na Miss Tourism International sa ika-25 ng Abril. Magtatanghal din sina Xian Lim, Princess Velasco, at Brian Termulo, kasama ang Cebuano vio­linist na si Joseph Brian Cimafranca.

At sa Sabado, ika-26 ng Abril, tampok sa opening number ng awarding ceremonies ang mga sikat na folk-rock stars na sina  Maegan Aguilar, Nicole Asensio, at Tao Aves, habang hosts naman sina Chris Tsuper at Nicole Hyala ng 90.7 Love Radio.

Dadalo rin ang magkapatid na Ana at Irina Feleo bilang continuity hosts ng tv special.

Sasarhan simula Miyerkules, ika-23 ng Abril ang Sotto Street sa CCP Complex.  Sa Sabado, ika-26 ng Abril, ang southbound lane ng Roxas Boulevard, mula Manila Hotel sa A. Bonifacio Street, hanggang Vito Cruz, ay sarado sa trapiko mula alas- 2:00 ng hapon  hanggang alas- 10:00 ng gabi para sa Aliwan Fiesta parade.

vuukle comment

ABRIL

ALIWAN FIESTA

BONIFACIO STREET

BRIAN TERMULO

CHRIS TSUPER

DANCE CREW LEAGUE

DIONE GOMEZ

GRACE NOTE

IKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with