^

PSN Showbiz

Natakot sa mga nega Kris inilaglag na ni Herbert?!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Unang itinanong ng lahat nang makita ang bago at napaka-short hairdo ni Kris Aquino ay kung may pinagdadaanan ba ito.

‘Hindi ba siya masaya?’ Ang tanong nila, na tinatanggap na ang pagpapaputol niya ng buhok ay katulad din  ni Sarah Geronimo na isang paraan ng rebelyon.

Masahol pa nga ang ginawa ni Kris dahil kung si Sarah ay nagpaikli lang ng buhok, si Kris ay parang panlalaki ang bagong style ng buhok.

Pero kalat na ang balitang hindi na nga itinuloy ni Mayor Herbert Bautista ang panliligaw sa kanya dahil nga sa matinding pagkontra ng marami sa kanila na malamang na dahilan kaya nga nagpaputol ng buhok si Kris.

Baka nasaktan siya sa nangyari. O baka naman ‘scripted’ lang ang sinasa­bing naudlot nilang relas­yon para tantanan sila ng mga nagne-nega?

 

Ano nga kayang totoo? Sarah gumaan ang buhay nang makipag-ayos sa GMA

Mula nang mawala ang problema ni Sarah Lahbati sa GMA7 ay parang naging smooth sailing na ang career niya. Hindi na nila kinakailangang magtago ni Richard Gutierrez. Libre na silang lumabas na magkasama at kahit makita sila ng tao ay hindi na sila naiintriga. Mukhang finallly ay tinanggap na rin ang relasyon nila.

Good of GMA na payagan si Sarah na gumawa ng project sa TV5. Malinaw na talagang bati na sila at hangad nila ang pagbabalik ng karera ng aktres. Kaya naman maluwag ang puso ni Sarah sa kanyang pagtatrabaho sa Singko. At the same time, happy siya to feel na welcome siya sa mga dating kasamahan niyang Kapuso.

Nakaplano silang pumunta ni Richard ng Dubai para sa isang fashion show. Maging si Richard kahit hindi na exclusive sa GMA ay may natapos na movie para sa GMA Films. May June playdate ang movie na pinamagatang Overtime.

 

Tom gustUng-gusto ng pamilya ni Andi

Marami ang boto kay Tom Taus para kay Andi Eigenmann. At least nga naman, sa piling ng dating child star ay wala siyang magiging problema. Libre ito at kabibreyk lang sa dati niyang girlfriend. Wala rin itong pamilya na tututulan ang kanilang relasyon. Katunayan boto pa nga si Jaclyn Jose rito dahil kilala niya si Tom simula nung bata pa ito. Wala ring magiging problema si Andi sa ama at kapatid ni Tom.

 

Kaso ni Vhong napakabilis!

Medyo nakaramdam din ako ng lungkot para kay Deniece Cornejo  sa kinahantungan ng kanyang episode with Vhong Navarro. Siguro, ni sa hinagap ay hindi niya inaasahan na sa kulungan ang kahahan­tungan niya. Medyo mabigat din ang kasong kinakaharap niya.

Naswertehan pa  niya na parang napakabilis ng pag-usad ng kaso, ‘di tulad ng ibang mga kaso na inaabot ng mga taon at halos nakakalimutan na. ‘Yun ma­rahil ang hindi nila inaasahan ng mga kasama niya na nagpasya na sa kanilang kamay dumanas ng pagpaparusa ang komedyante. Tsk. Tsk. Tsk.

vuukle comment

ANDI

ANDI EIGENMANN

DENIECE CORNEJO

JACLYN JOSE

KRIS AQUINO

MAY JUNE

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with