^

PSN Showbiz

Jennica aminadong kulang sa talent kaya inayawan ng GMA

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Kahit nakangiti, kita ang lungkot kay Jennica Garcia na baka ang Carmela na ang last soap niya sa GMA 7 dahil hindi na ni-renew ng network ang kanyang kontrata. Sinabi naming “baka” dahil posibleng bigyan pa rin siya ng network ng project kahit walang kontrata, gaya sa ginawa nila kay Polo Ravales.

Ang maganda kay Jennica, naiintindihan niya ang ginawa ng GMA 7 na hindi siya bigyan ng renewal. Sabi nito: “Siguro dahil ang talent ko ay acting lang, hindi ako sumasayaw at kumakanta. Siguro rin dahil hindi ako nagde-deliver, pero after Carmela, makakapag-voice lesson and dance lesson, willing na ako.”

Nilinaw ni Jennica na gusto naman niyang mag-voice and dance lesson dati, pero noong wala siyang trabaho, mas inuna niyang mag-aral ng baking. Hindi niya nakita that time na kailangan niyang matutong kumanta at sumayaw dahil acting naman ang passion niya. Ngayon, nakikita na niya ang importance ng maraming talents at open siya na madiskubre ang iba niyang talents, kaya lang mukhang late na.

Mawala man sa GMA 7, kampante si Jennica na hindi dahil naging unprofessional siya dahil ang alam niya, wala siyang role na tinanggihan, maliit man o malaki at kahit mother role, tinanggap niya. Lagi ring best effort ang kanyang ibinibigay dahil ayaw niyang masabihang namimili siya ng trabaho at ayaw ding masira ang parents niya na parehong artista.

“Seven years ako sa GMA 7, mahal na mahal ko ang network na ito dahil dito ako nag-start, but I don’t want to dwell sa past, kung saan ako dalhin, ganu’n pa rin ang gagawin ko, I’ll give my best,” dagdag pahayag ni Jennica.

Magsyotang showbiz grabe kung maglampungan, parang gusto laging mag-make love

Natatakot ang mga taong malapit sa magsyotang ito dahil halos hindi na sila naghihiwalay. As in, kahit nasaan ang isa, tiyak na kasama ang isa at parang hindi nila kayang maghiwalay kahit ilang minuto lang.

Heto pa, kapag ang mga very close lang sa kanila ang kasama, nagpi-PDA ang dalawa na oo nga’t minimal PDA lang, paano kung walang ibang tao sa kanilang paligid? Baka kung saan-saan umabot ang kanilang pagpi-PDA.

Pinagsasabihan naman daw ang dalawa na kumambyo sa kanilang nararamdaman dahil sayang ang kani-kanyang careers kung biglang magbuntis ang aktres at mawalan ng career ang aktor, kaya lang, matigas ang ulo ng dalawa.

Aktres todo patama sa ‘relasyon’

Kanino kaya patungkol ng isang aktres ang post niya sa Instagram (IG) na “What I don’t understand  is how a person can tell you so many lies and never feel bad about it.”

Walang ibang sinabi ang aktres, pero ang hula ng kanyang fans, kundi sa boyfriend na ex na yata nito dahil may tsikang break na rin sila, para sa dalawang aktres na kaibigan ng aktor ang post na ito. Inakusahan ng fans ng aktres ang dalawang kapwa aktres na mga sawsawera dahil nakikisali sa problema ng dalawa.

Binisita namin ang IG ng couple na tila sumabay sa break-up nina Geoff Eigenmann at Carla Abellana, Enzo Pineda at Louise delos Reyes at Aljur Abrenica at Kylie Padilla (kailangan pang makumpirma). Sa IG ng aktor, may two to three pictures pa sila ng aktres at ganu’n din si aktres, nagtira pa ng ilang pictures nila ng aktor, pero matatagal nan g pictures ‘yun.

Elmo binigyan ng bagong kapareha

Si Sophie Albert na talent ng TV5 at hindi ang ka-love team sa Villa Quintana at rumoured GF na si Janine Gutierrez ang katambal ni Elmo Magalona sa #Y, entry sa New Breed category sa direction ni Gino Santos.

Hindi naman siguro magagalit kay Elmo at kay Sophie ang fans nina Elmo at Janine dahil hindi nila kasalanan kung sila ang pagtambalin sa nasabing pelikula.

Isa lang si Elmo sa maraming Kapuso stars na may pelikula sa Cinemalaya at kundi kami nagkakamali, first time nina Elmo at Sophie sa Cinemalaya, kaya hindi nakakagulat kung pareho silang excited.

Samantala, kumpirmado ang eight weeks extension ng Villa Quintana at posibleng ma-extend pa, kaya matagal pang mapapanood ang tambalan nina Elmo at Janine.

 

vuukle comment

AKTRES

ALJUR ABRENICA

CARLA ABELLANA

DAHIL

ELMO

JENNICA

NIYA

VILLA QUINTANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with