^

PSN Showbiz

Kris at Tates parehong sapul sa interview: Herbert 2003 pa walang love life, relasyon kay Kris ‘di rin inamin! Tates Gana, nag-ilusyon lang nga bang First Lad

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - The Philippine Star

Nagsalita na si QC Mayor Herbert Bautista na 2003 pa ang huli niyang relasyon at wala siyang dini-date sa kasalukuyan sa interview ni Mr. Erwin Ro­mulo, editor-in-chief ng Esquire Philippines para sa sa April issue ng men’s mag.

Narito ang bahagi ng interview ni Mr. Romulo kay HB.

ESQ : How old are you?

HB: I’m turning 46 this May.

ESQ: And you have two children?

HB: I have four children. Two by two different women.

ESQ: Are you in good terms with their mothers?

HB: Yes, I am. I am very thankful that they raised our children quite well. I res­pect them as individuals, kahit hindi kami nagkatuluyan.

ESQ: But of course a politician needs a wife.

HB: Kelangan ng wife.

ESQ: So wala bang First Lady ang QC? of course, your predecessor didn’t have one.

HB: The President has no wife.

ESQ: Yes, but he is dating. Are you?

HB: No, I’m not seeing  anyone at this point.

ESQ: When was your last relationship?

HB: 2003.

ESQ : Well, being a politician’s wife, or at least a girlfriend is never a happy job.

HB: Para sa akin, Kelangan yung tao may sarili siyang ginagawa.

ESQ: So that’s what you’ll look for when you meet someone?

HB: Yeah, that she’s independent enough. Matibay din. In fact, dapat mas matibay kesa sa’kin. Siya magsasabi na, “mali yan.” Or “go for it.” Masarap din kausap. Maganda ‘yung pagkagising mo sa umaga, may kausap ka rin. ‘Yung  nagsasabi sa ‘yo ng totoo, alam mo ‘yun. Those are the ideals but I don’t know if there’s an ideal out there.

ESQ: Of course, you have to say that it’s also difficult to date a mayor.

HB: Hindi naman. Timing lang. But if both of you are willing to give each other enough time to be together or to understand each other at the end of the day, walang problema yan.

ESQ: Do you want to get married?

HB: Oo, ayaw nila maniwala that I’m the marrying type eh.

Mabibili na sa bookstore ang nasabing issue ng Esquire Philippines.

So meaning tama ang kuwento ng iba na hindi naman talaga sila nagsasama ng sinasabing ‘first lady’ ng QC na si Ms. Tates Gana at ito lang ang nagsasabing sila pa rin?

Eh si Kris kailan kaya niya niligawan eh samantalang matagal nang nagbibigay ng hint tungkol sa nanliligaw na pulitiko ang actress-TV host?

Ginanap ba ang interview last year pa?

Mga nag-Visita Iglesia nabawasan?!

Speaking of Kabanalan, parang nabawa­san ang mga nag-Visita Iglesia sa ilang simbahan sa Metro Manila this year.

Hindi masyadong masikip ang parking sa ilang simbahan at hindi rin gaanong siksikan.

Tanging ang Quiapo lang ang nagkaroon ng traffic dahil naman sa mga jeep na nagsasakay ng pasahero sa gitna eh may lane pa na ginagawa sa harap ng Quiapo church kaya medyo nagsikip talaga. At siyempre sa Manila Cathedral na matagal din isinara dahil sa renovation. Maganda nga ang kinalabasan ng renovation at naging matibay na ang hitsura.  Kaya naman ang mga kababayan natin, mula entrance ng simbahan nagpi-picture hanggang sa makapasok at hanggang makarating sa may unahan.

Kaloka nga dahil inuuna na nila ang pagpi-picture kesa pagdarasal. At parang mas matagal pa silang nagpi-picture kesa nagdarasal.

At may simbahan naman na walang masyadong tao kaya mas comfortable ang mga nag-Station of the Cross na magdasal.

Maging ang mga ilang nagtinda sa mga malalapit sa simbahan ay parang hindi gaanong kumita dahil hapon na ay makikita mo silang marami pang binibenta.

Nasaan na nga kaya ang ibang dating nakikipagsiksikan sa Station of the Cross sa maraming simbahan? Inuna kaya nila ang beach or pagpapasarap sa abroad?

Sa mga artistang nasa abroad, si Ruffa Gutierrez lang ang nakita kong nag-post ng picture ng mga simbahan sa Barcelona. The rest parang namamasyal lang at nakalimutan yatang panahon ng pagtitika.

Ibang-iba na kasi talaga noon at ngayon ang paggunita sa Semana Santa.

Anyway, maligayang Araw ng Pagkabuhay sa lahat ng readers ng PSN.

Cristine nagbabaga ang dance number kasama ang mga heartthrob

Happy ang ending ng Holy Week sa ASAP 19 sa special episode nito ngayong Easter Sunday dahil sa mga exciting na pasabog ngayong Linggo (Abril 20).

May selebrasyon sa pagbabalik ng pinakaunang reality show na Pinoy Big Brother kasama ang Ultimate Multi Media Star Toni Gonzaga together with PBB Big Winners Kim Chiu, Keanna Reeves, Nene Tamayo, James Reid, Slater Young, and Myrtle Sarrosa plus PBB ex-housemates para sa isang engrandeng reunion, habang ipagdiriwang naman ang finale ng The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles kasama ang hosts na sina Iza Calzado, Matteo Guidicelli, Robi Domingo, at coaches na sina Jim at Toni Saret.
May launching din ang soundtrack album ng Ikaw Lamang.

Humanda rin para sa mainit na performance ng iconic OPM band na  Ri­vermaya kasama ang rock legend at former front man na si Bamboo at former members na sina Mark Escueta, Mike Elgar, and Norby David.

Kiligin din sa production number ng teen king na si Daniel Padilla para sa concert niyang DOS, makisayaw sa King Of the Gil kasama sina Enrique Gil at showbiz royalties na sina Mavie at Cassy Legaspi, at makisali sa Meteor Fever kasama ang Kanto Boys Jr. Present din sina Zaijian Jaranilla, Clarence Delgado, Izzy Canillo at Bugoy Cariño, kasama rin si Xyriel Manabat.

Abangan din ang sizzling production number mula kay Cristine Reyes kasama ang heartthrob models na sina Hideo Muraoka, Sam Adjani, Vince Ferraren, at Fabio Ide, at makalaglag-pangang dance moves mula kina Maja Salvador, Jessy Mendiola, Kim Chiu, Iya Villania, Shaina Magdayao, Rayver Cruz, Sam Concepcion, John Prats, at Gab Valenciano.

Meron ding back-to-back song numbers mula kina Mark Tupaz ng Shamrock at 80’s OPM legend na si Raymond Lauchengco.

Samantala, humanda para sa isang de-kalibreng concert spectacle mula kina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Vina Morales, Arnel Pineda, Toni Gonzaga, Nikki Gil, Angeline Quinto, Jovit Baldivino, Marcelito Pomoy, Richard Poon, at Juris Fernandez.

Kaabang-abang din ang Easter treat ng ASAP para sa fans sa pamamagitan ng makapangyarihang vocals mula kina Sarah Geronimo, Erik Santos, Lani Misalucha, Jed Madela, at Gary Valenciano.

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

ARNEL PINEDA

DIN

ESQ

ESQUIRE PHILIPPINES

KASAMA

STATION OF THE CROSS

VISITA IGLESIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with