^

PSN Showbiz

Movie nina Sarah at Coco ‘di pa mahanapan ng title

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sa May 14 na pala ang playdate ng movie nina Coco Martin at Sarah Geronimo na co-produced ng Star Cinema at Viva Films. Pinu-promote na ito ng mga taga-Star Cinema sa social media, pero parang wala pang final title ang movie dahil nakalagay lang ang ay “coming soon.”

Sa direction ni Jerry Sineneng, kasama sa cast ng movie si Ruffa Gutierrez na tuwang-tuwang makasama ang dalawa sa pelikula. Kuwento ni Ruffa, parehong mabait at down to earth sina Coco at Sarah at para raw hindi big stars kung kumilos.

Ito ang pelikulang hinihintay ng marami para malaman kung tatangkilikin din ng moviegoers gaya nang ginawang suporta sa movie ni Sarah together with John Lloyd Cruz and Gerald Anderson.

In fairness kay Sarah, wala itong pi­ni­piling leading man dahil lahat nang na­­kakapareha ay nag-a-adopt siya at lu­­­malabas ang chemistry kahit walang ro­mantic involvement.

Kaya naman kayang pagtambalin sina Sarah at boyfriend nitong si Matteo Guidicelli? Tiyak na maghi-hit ito dahil hin­di fake ang kilig na kanilang ipapakita.

 

Alden kakayod kahit Mahal Na Araw

Gaya ni Marian Rivera, sobrang pa­sasalamat din ang ipinaparating ni Al­den Richards sa success ng Carmela. Nag-work daw ang ex­perimental approach ng concept ng show at natutuwa siyang tinanggap ng viewers ang istilo nang pagdidirehe ni director Dominic Zapata.

Masaya rin si Alden na extended for three weeks ang Carmela at sa halip na April 25, sa May 23 na ang final episode. Marami pa raw magandang mangyayari sa tatlong linggong extension ng primetime soap ng GMA 7.

Wala nga lang pahinga si Alden kahit Holy Week dahil magsu-shooting sila ni Aljur Abrenica ng pe­li­ku­la nilang Cain at Abel to be directed by Adolf Alix, Jr.

 

Sarah at Carl, bumagay

Sa May  11, Sunday ang airing ng More Than Words, ang TV made for movie ng TV5 na bida sina Alice Dixson, Sarah Lahbati at Carl Guevarra. Sa nakita naming pictures sa taping, bagay sina Carl at Sarah dahil parehong matangkad at guwapo at maganda, kaya maganda ang rehistro sa screen.

Ipinahiram ng GMA Artist Center si Sarah sa TV5 at nakakatuwang ang  first project ng aktres sa network, ang kapareha ay galing din sa GMA 7.

Masaya ang love life ni Sarah, ewan lang namin kung happy pa rin ang love life ni Carl dahil may mga tsika kaming nari­rinig tungkol sa kanila ni Kris Bernal na hiwalay na raw.

Pero wala pang dapat ikatakot ang fans nina Carl at Kris dahil naka-post pa sa Instagram (IG) ni Carl ang pictures nila ni Kris. Ang IG daw ang batayan ngayon kung okey o hindi ang isang relasyon.

 

Sto. Niño bibida sa serye ng GMA

May maiksing teaser na ang Niño at maganda ang ginawa ng Kapuso network na picture muna ni Miguel Tanfelix ang ipinakita at shadow ng Sto. Niño at saka papalitan ng picture ni David Remo ang shadow ng Sto. Niño.

Natawa kami sa binanggit ni Miguel na balita niya ay super hyper si David, kaya paghahandaan niya ang pagka-hyper nito. Kailangan daw ay hindi siya mapagod at baka matalo siya ni David.

Si Maryo J. delos Reyes na manager din niya ang director ng Niño na kung masusunod ang schedule, sa May 26, na ang pilot. Isa sa mga kasama sa cast si Ms. Gloria Romero.

vuukle comment

ADOLF ALIX

ALICE DIXSON

ALJUR ABRENICA

SARAH

SHY

STAR CINEMA

STO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with