^

PSN Showbiz

Anak ni AiAi pasok sa PBB?!, Zsa Zsa inirarampa na ang bagong dyowa

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ipinagpaliban sa susunod na linggo ang hero’s welcome kay Sarangani Province House Representative Manny Pacquiao dahil sa Good Friday ang balik niya sa Pilipinas.

SCENE:  Maling-mali ang akala ni Deniece Cornejo na ginagamit ni Vhong Navarro sa promo at publicity ng Da Possessed ang mga kaso laban sa kanya at kay Cedrice Lee. Dapat nang manahimik si Deniece dahil lalo siyang napapahamak tuwing ibinubuka niya ang kanyang bibig, literally and figuratively.

SEEN: Showbiz na showbiz si Dionisia Pacquiao dahil ine-enjoy niya nang husto ang atensyon na ibinibigay sa kanya ng media at ng mga tao.

SCENE: Malulungkot si Claudine Barretto kapag nalaman nito na hindi sineryoso ng publiko ang cry for help niya  dahil tinangka raw ng kasambahay nila  na lasunin siya at ang kanyang mga anak.

SEEN: Ang taping ng Ang Dalawang Mrs. Real ng GMA 7 ang pagkakaabalahan ni Lovi Poe pagkatapos ng bakasyon nila sa Europe ng kanyang boyfriend na si Rocco Nacino.

SCENE: Hindi na itinatago ni Zsa Zsa Padilla ang pakikipagrelasyon sa architect na si Conrad Onglao. Parehong may mga anak sina Zsa Zsa at Conrad sa kanilang mga dating karelasyon.

SEEN: Blooming at positive ang aura ni Miriam Quiambao mula nang magpakasal siya sa motivational speaker na si Ardy Roberto. Good in­fluence si Ardy kay Miriam.

SCENE: Ang unconfirmed report  na nakapasa sa Pinoy Big Brother auditions ng ABS-CBN  si Sancho Vito, ang panganay na anak ni Ai Ai delas Alas.

vuukle comment

AI AI

ARDY ROBERTO

CEDRICE LEE

CLAUDINE BARRETTO

CONRAD ONGLAO

DA POSSESSED

DENIECE CORNEJO

DIONISIA PACQUIAO

GOOD FRIDAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with