^

PSN Showbiz

Pero wala raw third party Carla lumuluhang inaming hiwalay na sila ni Geoff

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Habang nagsasaya ang buong bansa dahil nag-win si Congressman Manny Pacquiao sa boxing match nila ni Timothy Bradley, Jr., lumuluha naman si Carla Abellana dahil sa break up nila ni Geoff Eigenmann.

Live ang guesting kahapon ni Carla sa Startalk at cry me a river siya nang aminin na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend.

Four years ago, si Carla ang unang umamin sa publiko na boyfriend na niya si Geoff at ngayong hiwalay na sila, marapat lang na siya rin ang magsabi sa mga tao ng nangyari sa kanilang relasyon.

Klarung-klaro ang sinabi ni Carla na walang third party na sangkot sa split up nila ni Geoff. Naghiwalay daw sila dahil sa mga bagay-bagay na hindi nila napagkakasunduan at magkaibang-magkaiba ang kanilang moral values.

Pumatak ang luha ni Carla nang maungkat ang relasyon niya sa pamilya ni Geoff. Nalungkot siya dahil tunay na kapamilya ang naging trato sa kanya ng mga magulang at pinsan ng ex-boyfriend niya.

Suspek sa pambubugbog kay Vhong nagliliwaliw na sa abroad

How true na nasa ibang bansa na ang businessman na si Ferdinand Guerrero, isa sa mga suspect sa pambubugbog kay Vhong Navarro noong J­anuary 22 sa The Fort, Taguig City?

Sa text message na ipinadala ni Ferdinand sa Startalk, sinabi niya na  “I’m out of here. Time to explore new places in Asia.”

Kung totoo ang text message ni Ferdinand, possible na nakalabas na siya ng bansa at nasa ibang Asian country na.

Kasama si Ferdinand sa mga pinasa­sampahan ng serious illegal detention case ng Department of Justice. Non-bailable ang kaso kaya may dahilan talaga si Ferdinand na umeskapo, kung pagbabasehan ang message na natanggap ng Startalk.

Mga Pinoy nae-excite na sa pagbalik ni Pacman

Bago ko makalimutan, congrats muna kay Papa Manny Pacquiao dahil nabawi niya kay Bradley ang WBO Welterweight title.

Tameme si Bradley dahil sa kanyang pagkatalo, lumalabas na si  Papa Manny ang true winner sa laban nila two years ago.

Huwag tayong magtaka kung maging biktima uli si Bradley ng bashing dahil imbyerna sa kayabangan niya ang mga Pinoy. Matataray ang mga statement ni Bradley bago sila nag-boxing kahapon ni Papa Manny. Ang ending, Luz Valdez siya. Kinain ni Bradley ang lahat ng kanyang mga pralala.

Excited na ang mga Pinoy sa pagbabalik ni Papa Manny sa Pilipinas. Hindi puwedeng magtagal si Papa Manny sa Amerika dahil malapit nang manganak ang kanyang misis na si Jinkee Pacquiao.  

Siyempre, isang hero’s welcome ang inihahanda para sa Pambansang Kamao na wala pang balak na huminto sa paglalaro ng boxing.

Hanggang ngayon, ang paghaharap nila ni Floyd Mayweather, Jr. ang  gustong mangyari ng boxing fans. Ang feeling ng fans, hindi makukumpleto ang boxing career nina Papa Manny at Mayweather kung hindi matutupad ang kanilang bakbakan.

Sa totoo lang, nakakatensyon ang laro kahapon nina Papa Manny at Bradley. Makapigil-hininga ang kanilang suntukan. Mabuti na lang, ipinakita si Mommy Dionisia Pacquiao dahil pangpatanggal kaba ang kanyang mga eksena.

Star of the Night ang bansag kay Mommy D ng foreign media dahil sa  kanyang mala-pre war costume at panggigigil kay Bradley habang nakikipagsuntukan ito sa anak niya. Karakter talaga si Mommy D na hindi nagpasapaw sa Pambansang Kamao.

vuukle comment

BRADLEY

CARLA

DAHIL

FERDINAND

GEOFF

MANNY

MOMMY D

PAMBANSANG KAMAO

PAPA MANNY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with