^

PSN Showbiz

Aktor at aktres na walang inaamin sa relasyon, nagbabadya nang magkahiwalay

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sunud-sunod ang Kapuso stars na nagkakaroon ng love problem dahil after Geoff Eigenmann at Carla Abellana, Louise delos Reyes and Enzo Pineda, and Aljur Abrenica and Kylie Padilla, isa pang talent ng GMA 7 ang nababalitang may relationship problem sa nobyong hindi taga-Channel 7.

Malalapit na kaibigan pa lang ng aktres at boyfriend nitong aktor ang nakakaalam sa conflict ng kanilang relasyon. Kung totoo ang tsikang na-unfollow ng aktor ang aktres sa Instagram (IG), mukhang malaki ang kanilang problema at hindi lang LQ o Lovers Quarrel. Lalo na’t sa dalawa, ang aktor ang mukhang mas in love sa aktres.

Sabagay, never inamin ng dalawa ang kanilang relasyon kahit nagta-travel na sila together at nagkakasamang magbakasyon dito. Magugulat pa ang tao ’pag nalamang break na sila dahil wala nga silang inamin kaya tama ang ginawa nilang ilihim din ang kanilang pag-aaway.

Nakakaawa lang ang fans ng dalawa dahil sila ang namomroblema sa favorite love team nila. Sa IG, pinakikiusapan silang mag-usap para magkabati para hindi sila nalulungkot.

Rap aarte na sa teleserye

Nakakuwentuhan namin sandali si Lorna Tolentino sa birthday party ni Tirso Cruz III na ginawa sa Valencia Events Place na ang Heads and Hearts na kanyang kinabibilangan ang nagma-manage. Ibi­nalita nitong marami na silang bookings kaya mas ginaganahan sa bagong business na pinasok kasama sina Lyn Cruz (wife ni Tirso), Maritess Gutierrez, at iba pang kaibigan.

Ang grupo nina LT din ang nasa likod nang bubuksang 38 Degrees Bistro sa harap ng Valencia Events Place na pagmamay-ari rin ni Mother Lily Monteverde. Ang tsika, ayaw ibigay ng lady producer ang gagawing bistro hangga’t hindi nila tinatanggap ang offer nitong i-manage ang Valencia Events Place.

Anyway, kasamang dumating ni LT sa party ni Pip ang mga anak na sina Rap at Renz Fernadez at kinumpirma ni Rap na kasama siya sa cast ng Niño, ang bagong primetime soap ng GMA 7. Happy si LT sa anak na kung tawagin niya ay “kuya” dahil nasa Innamorata pa siya at may kasunod ng project.

Si Renz ay naghihintay pa ng kasunod na project after Prinsesa ng Buhay Ko at dahil maganda ang ipinakita sa nabanggit na series tiyak na bibig­yan pa ng kasunod na show.

Marvin binalikan ang pagpo-produce, Jessie J magko-concert sa July

Magtatapos na this Thursday ang Obsession, ang psycho drama ng TV5 na isa sa mga bida ay si Marvin Agustin at dahil ending na ng series puwede nang simulan ng actor/restaurateur ang bago niyang show sa network na kung tama ang balita namin ay tungkol sa cooking.

 Nabanggit ni Marvin ang tungkol sa bagong show nang ma-interview namin ito para sa Obsession at excited na siyang simulan.

Binalikan din ni Marvin ang pagpoprodyus ng concert at busy na uli ang kanyang Futuretainment. Sila ang producer ng Jessie J Live sche­duled on July 14 sa Smart Araneta Coliseum. Si Jessie ang kumanta ng Price Tag at marami pang pinasikat na kanta kaya maraming gustong manood. Out na raw ang tiket kaya buy na kayo!

May nagre-request kay Marvin na dalhin si Pink dito sa Manila at isa pang request ay ibalik ang Maroon 5 na dinala ng Futuretainment noong 2011.

Anyway, sa finale ng Obsession, pagbabayaran ni Dr. Ramon Mendoza (Marvin) ang kahibangan niya kay Bernadette (Bianca King/Neri Naig) at mahuhuli pa ng pulis ang pangunahin niyang kasabwat sa krimen: Ang inang si Regina (Elizabeth Oropesa).

 

vuukle comment

ALJUR ABRENICA AND KYLIE PADILLA

BIANCA KING

BUHAY KO

CARLA ABELLANA

DEGREES BISTRO

DR. RAMON MENDOZA

ELIZABETH OROPESA

MARVIN

VALENCIA EVENTS PLACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with