^

PSN Showbiz

Aktres nagpi-pills kaya tuloy ang pagtaba

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Parang totoo ang tsikang sinadyang hindi isama sa teaser at print ad ng isang show ang aktres na ka­sama sa cast dahil tumaba siya. Hindi raw magkasya ang costume sa aktres at sa teaser shoot at pictorial lang nalaman, wala nang chance pa na ayu­sin ang costume, kaya nagdesisyon ang production staff na ’wag na lang siyang isama.

Hindi lang maganda ang tsika sa pagtaba ng aktres at sana hindi totoong nagpi-pills ito para hindi magbuntis. Sana hindi muna siya buntisin ng boyfriend dahil maganda ang future ng aktres sa showbiz kung magpo-focus lang.

Maganda ang aktres at hindi nawawalan ng show pero sa halip na ang career ang pag-usapan ’pag nai-interview, ang relasyon nila ng aktor ang tinatanong. Older sa aktres ang BF nitong aktor. Dapat siya ang nagga-guide sa GF.

Tom-Carla movie papalit-palit ng pamagat

Binago na naman ang title ng rom-com movie nina Tom Rodriguez at Carla Abellana under Regal Entertainment, Inc. Hindi na Let’s Take a Chance ang title ng movie, kundi So It’s You na kundi kami nagkakamali’y galing sa hit song ni Raymond Lauchengco.

Third time na itong pagpapalit ng Regal sa title ng Tom-Carla movie and hopefully hanggang sa showing ay hindi na mapalitan para hindi malito ang tao. Ang fans nga ng dalawa, akala’y dalawang pelikula ang ginagawa nila.

Wala pang playdate ang movie na matagal nang hinihintay ng fans na nabuo mula nang pagtambalin sila sa My Husband’s Lover. Sa tweet ni Carla, nagsyu-shooting pa sila kaya baka sa April pa ang showing ng So It’s You sa direction ni Jun Lana.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

JUN LANA

MY HUSBAND

RAYMOND LAUCHENGCO

REGAL ENTERTAINMENT

SO IT

TOM RODRIGUEZ

TOM-CARLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with